Archive of Environment

Konstruksyon ng coastal road sa Sorsogon, pinaiimbestigahan ng mga mangingisda
July 14, 2023

Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) kahapon, Hulyo 13, ng imbestigasyon sa konstruksyon ng coastal road sa Gubat, Sorsogon dahil sa lumilitaw na paggamit umano ng mga patay na koral sa pagtatayo nito. Bago pa nito, nauna nang ipinanawagan ng Save Gubat Bay Movement ang pagpapahinto sa proyekto at kaakibat nitong […]

Pagpapasabog ng mga rocket ng US at Pilipinas sa Nueva Ecija, perwisyo sa mamamayan
July 10, 2023

Perwisyo sa mamamayan at kalikasan ang muling paglulunsad ng live-fire exercises ng mga pwersang militar ng US at Pilipinas sa Barangay Canantong, Laur, Nueva Ecija noong Hulyo 7. Nagpakawala ng 20 rocket ang US sa tinaguriang PH-US Army Artillery Rocket System Subject Matter Expert Exchange (SMEE) gamit ang mga High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS). […]

Salubungin ng puspusang paglaban ang ekspansyon ng Filminera-Masbate Gold Project at iba pang agresibong pakana upang dambungin ang Masbate
July 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) |

Sa loob ng higit dekadang operasyon, nilimas ng Filminera ang higit 63 tonelada ng ginto at kumita nang humigit-kumulang ₱130 bilyong piso. Sa kabilang banda, malawakang pagkasira ng kalikasan, pagkakalbo ng mga bundok at kagubatan, pagkawasak ng kabuhayan at pinsala sa buhay ang idinulot ng Filminera-MGP sa mga Masbatenyo.

Tuloy ang laban ng mamamayan ng Sibuyan!
July 06, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon sa nakamit nilang writ of kalikasan, isang tagumpay sa korte at dagdag balakid sa pagbabalik operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa isla ng Sibuyan. Ang positibong tugon ng Supreme Court (SC) sa petisyon ng mga taga-Romblon para sa writ of kalikasan ay resulta ng determinadong paglaban ng […]

Martsa kontra dam, inilunsad sa Laguna
July 04, 2023

Nagmartsa ang mga residente ng Pakil, Laguna sa sentro ng bayan noong Hulyo 1 para ipabatid ang kanilang pagtutol sa mga proyektong Ahunan at Belisama Hydropower sa kanilang bayan. Itatayo ang Ahunan Dam sa Bundok Ping-as, na matatagpuan sa naturang bayan. Ang pagkilos ay kasunod ng porum at konsultasyon sa parehong araw na pinangunahan ng […]

Marcos Jr, sakuna sa kapaligiran
June 30, 2023

Naglabas ng listahan ng mga krimen at kapalpakan sa kapaligiran ang Kalikasan-PNE para sa unang taon ni Ferdinand Marcos Jr sa poder. “Ang isang taon ni Marcos ay puro satsat kaugnay sa climate at environmental action, at walang aktwal na pag-unlad na sustenable sa ekolohiya,” ayon sa grupo. Ipinagpatuloy nito ang Mining Act of 1995, […]

Fluvial protest kontra reklamasyon, inilunsad sa Bacolod City
June 26, 2023

Naglunsad kahapon ng fluvial protest o protesta sa karagatan ang mga mangingisda at maralitang tutol sa nakatakdang 1,018-ektaryang proyektong reklamasyon sa Bacolod City. Pinangunahan ang pagkilos ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (Pamalakaya)-Negros, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-Negros at Bacolod Against Reclamation Movement (BARM). Ang mga nakiisa sa protesta ay mula sa mga barangay ng […]

Nakikiisa ang mga Masbatenyo sa masang Albayano sa pagharap sa delubyong hatid ng pagsabog ng bulkang Mayon
June 23, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ipinababatid ng mamamayang Masbatenyo at ng kanilang rebolusyonaryong kilusan ang pinakamahigpit na suporta at pakikiisa sa masang Albayano. Sang-ayon sa panawagan ng Bagong Hukbong Bayan-Albay na pagtulong sa mga apektado, handa ang Jose Rapsing Command-BHB Masbate at mga rebolusyonaryong organisasyong masa na tumugon sa mga kinakailangang ambag at suporta para sa mga apektadong mamamayan. Ang […]

Isda sa Cavite, apektado ng dredging
June 21, 2023

Bumagsak nang 80% ang huling isda ng grupong Pamalakaya at mga mangingisda mula nang simulan ang mga proyektong reklamasyon sa Cavite noong 2021. Noong nakaraang linggo, napuna nila ang paglutang ng flounder fish, kilala sa lugar bilang isdang dapa o tampal-puke. Anila, nataboy ang mga isdang ito sa mula sa paninirahan nito sa sea floor […]

BHB-Albay, handang tumugon sa sakuna ng pagsabog ng bulkang Mayon
June 12, 2023

Handa ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Albay at ang rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya na tumugon, mag-ambag at sumuporta sa pamamagitan ng sama-samang pag-iipon ng anumang tulong pinansyal at materyal para sa mamamayang Albayano sa harap ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon. Sa pahayag nito, sinabi ni Ka Florante Orobia, tagapagsalita ng BHB-Albay, nananawagan siya ng suporta mula […]