Naglunsad ng isang araw na welga ang libu-libong nars at estudyante ng kursong nursing sa South Korea noong Mayo 19 para kundenahin ang pag-veto o pagbasura ng presidente ng bansa sa isang panukala na magbibibgay ng dagdag na mga benepisyo at sahod, at magpapaunlad ng kanilang kundisyon sa paggawa. Ang panukalang Nursing Act ay ibinasura […]
Inianunsyo kahapon ng mga manggagawang pangkalusugan na nagbuklod sa ilalim ng grupong Health Workers United for Wage Fight (HWUWF) ang nakatakdang martsa nila sa darating na Mayo 5 para manawagan ng dagdag sahod, mga benepisyo, regularisasyon at disenteng trabaho. Kaugnay ito ng paggunita sa National Health Workers’ Day sa darating na Mayo 7. Ang grupo […]
Nagmartsa ang mga nars na kasapi ng Filipino Nurses United (FNU) sa Taft Avenue sa City of Manila tungong Philippine General Hospital noong Abril 12 para ipanawagan ang pagtaas ng entry salary ng mga nars sa pampubliko at pribadong ospital tungong ₱50,000. Lumahok sa protesta ang mga nars mula sa iba’t ibang tsapter ng FNU […]
Nagtungo sa upisina ng Department of Health (DOH) ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa pribado at pampublikong ospital para sa protestang ‘Black Hearts Day’ kasabay ng araw ng mga puso noong Pebrero 14. Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), kinalampag nila ang ahensya para ibigay sa kanila ang mga benepisyong nararapat at wakasan ang […]
Umaabot sa 12 oras ang karaniwang duty o araw ng pagtatrabaho ng mga nars De La Salle University (DLSU) Medical Center, ang pinakamalaking pribadong ospital sa Cavite. Ayon kay Vilma Garcia, tagapangulo ng unyon ng mga empleyado ng ospital, ito ay dahil kulang na kulang ang iniempleyo ng kapitalistang may-ari na mga nars para mag-asikaso […]
Nangangamba ang Filipino Nurses United na maramihang aalis ang mga may karanasang nars matapos ang alok ng New Zealand ng “residency” (permanenteng paninirahan) at mas mataas na sahod sa sinumang nars na handang magtrabaho doon. Gayundin ang pahayag ng Philippine Nurses Association na nagsabing posibleng maapektuhan ang operasyon laluna ng mga pribadong ospital kung mangyari […]
Tahimik na nagtipon at surpresang nagmartsa kahapon sa kahabaan ng Carriedo Avenue sa Lunsod ng Maynila ang mga kasapi ng Makabayang Samahang Pangkalusugan (MSP), ang rebolusyonaryong organisasyon ng mga manggagawang pangkalusugan. Bahagi ito ng paggunita sa ika-44 anibersaryo ng kanilang organisasyon. Sa maiksing programa, ipinabatid ng MSP ang pangangailangang lumahok sa armadong rebolusyon ng mga […]
Nagsagawa ng noise barrage o pag-iingay sa harap ng Department of Health sa Lunsod ng Maynila ang iba’t ibang unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) noong Huwebes, Nobyembre 24. Ito ay para hinging itaas tungong ₱33,000 ang minimum na sweldo ng mga manggagawang pangkalusugan katulad sa pribado at pampublikong sektor. Ito rin […]
Naglunsad ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Nobyembre 18 para batikusin ang bantang pagpapasara ng ospital. Kinundena rin nila ang hindi pagbabayad ng kanilang Health Emergency Allowance para sa Hulyo-Disyembre 2021 at Hulyo-Disyembre 2022. Pinangunahan ng Alliance of Health Workers (AHW) ang naturang pagkilos. Nangangamba ang mga […]
Nagtungo sa Senado ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers ngayong araw para ipanawagan ang dagdag-badyet para sa mga pampublikong ospital. “Sa halip na dagdagan ang badyet, itinutulak ng administrasyong Marcos ang ibayong pribatisasyon ng mga pampublikong ospital sa pamamagitan ng pagbabawas ng badyet nito para sa Maintenance and Other Operating […]