Archive of Human Rights

Depensahan ang pumuluyo batok sa serye nga pagpamahug sang AFP!
October 25, 2022 | New People's Army | Negros Island Regional Operational Command (Apolinario Gatmaitan Command) | NPA-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr. Command) | Andrea Guerrero | Spokesperson |

Wala untat ang ka pintas kag pagpamahug sang 47th IB sang Armed Fores of the Philippines (AFP) sa kaumhan sa Sur nga bahin sang Negros. Sa sini lang nga bulan, ginpalupkan sang M203 ang usa ka mangunguma nga si Alfredo Dantes human nga nasukmongan siya sang mga tropa sang 47th IB nga nag operasyon sa […]

Labanan ang paniniktik at panunupil ng estado sa mamamayan! Ibasura ang SIM Card Registration Law!
October 25, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kailangang mahigpit na labanan ng mamamayan ang pinatinding paniniktik at panunupil ng surveillance state ng ilehitimong rehimeng Marcos II na rumurok sa pagsasabatas ng RA 11934 o SIM Card Registration Act nitong buwan. Imbes na masindak, hamon sa hanay ng demokratikong pwersa na paigtingin ang anti-pasistang pakikibaka at ipaglaban ang demokrasya sa gitna ng de […]

Patuloy ang panawagan ng hustisya para sa limang biktima ng masaker sa Mandaon
October 25, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sa araw na ito ginugunita ng mga pamilya at masang Masbatenyo ang ika-1 taon na pagdukot at pagmasaker ng pinagsanib pwersa ng 2nd IBPA at 96th MICO sa mga biktimang sina Roger Delaroso, Panot Bebeng, Ruel Delaroso, Lindo Montecalvo at isa pang hindi nakilala noong Oktubre 24, 2021 alas-4 ng madaling araw sa Brgy. Bogtong, […]

Karapatan ng mga LGBT+, mga mag-aaral sa Capiz, ipinaglaban
October 24, 2022

Sa paggigiit at panawagan ng mga kasapi ng komunidad ng LGBT+ sa Capiz State University (CAPSU) sa Roxas City, kinilala ng administrasyon ng unibersidad ang karapatan ng mga LGBT+ at mag-aaral sa kanilang identidad. Simula noong Oktubre 17, pinahintulutan ang mga mag-aaral ng CAPSU na pumasok kahit mahaba ang kanilang mga buhok, may kulay o […]

Planong pagtaas ng singil sa tubig, binatikos
October 23, 2022

Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) noong Oktubre 20 ang planong pagtataas ng singil sa tubig ng mga pribadong kumpanyang Manila Water at Maynilad. Ayon sa Bayan, ang pagtataas ng singil sa tubig ay para tiyakin ang kita ng mga pribadong kumpanya gamit ang mekanismong “rate rebasing.” Dagdag ng grupo, ang panukala ay nagaganap sa […]

May pulitika ang mga salita! Labanan ang pagtatanggal ng terminong batas militar sa kurikulum!
October 23, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Pinakabago sa mga pakana ng pagbabaluktot ng kasaysayan ang pagtatanggal ng terminong ‘batas militar’ sa lahat ng mga aklat at kurikulum sa paaralan at pagpalit dito ng ‘bagong lipunan’. Ang usaping ito ay hindi lamang simpleng isyu ng semantika. May pulitika ang mga salita. Sa pagpapalit-termino, itinatatwa rin ang kasaysayan at iniralang konteksto ng orihinal […]

Words are political! Oppose the removal of the term martial law from the education curriculum!
October 23, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Latest among the maneuvers to distort history is the attempt to replace the term ‘martial law’ with ‘new society’ in all books and across all school curricula. The issue here is not simple semantics. Words are political. By changing the terminology, the history and context in which the word was originally used is lost. This […]

Takot ang hatid ng araw-gabing panganganyon sa kabundukan ng Sipalay
October 21, 2022

Nakadama ng takot ang mga naninirahan malapit sa bundok ng Sityo Binus-ay, Barangay Camindangan, Sipalay City, Negros Occidental sa araw-gabi na panganganyon ng Philippine Army noong Setyembre 27-30 malapit sa kanilang mga komunidad. Bahagi ang panganganyon sa serye ng pagsasanay ng 3rd Field Artillery Battalion ng Philippine Army sa Sipalay City. Ayon sa mga residente, […]

Pangwawasak sa kabuhayan sa likod ng palabas na kaunlaran ng AFP, PNP at NTF-ELCAC
October 21, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ni hindi man lang tinablan ng konsensiya sa pagkamatay ng kanilang kasamahan sa aksidente sa panibagong pang-aabuso na naman ang isinagawa ng militar sa probinsya matapos ang palabas na caravan upang ipagyabang ang bagong proyekto sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) sa bayan ng Placer. Walang awang niransak ang tahanan at ninakawan ng anim […]

Kaso laban sa abugado, 8 mamamahayag at 33 iba pa, ibinasura ng korte sa Panay
October 20, 2022

Ibinasura ng korte sa Iloilo City ang kasong “civil disobedience” laban sa isang abugado, walong mamamahayag, at 33 aktibista kaugnay sa protesta sa nasabing syudad noong Mayo 1, 2020. Kabilang sa 42 kataong inaresto at sinampahan ng pulisya ng “simpleng pagsuway sa isang ahente o sa isang taong may awtoridad” sa ilalim ng Revised Penal […]