Archive of Peasants

Blokeyo sa pagkain, nagdulot ng gutom sa 2 barangay sa Quezon
October 27, 2023

Nagdudulot ng malawakang kagutuman at kahirapan ang blokeyong pang-ekonomya na ipinapataw ng mga yunit ng 2nd ID sa mga barangay ng General Nakar, Quezon. Ang blokeyo ay ipinataw ilang linggo mula nang simulan ng 80th IB, 1st IB at Special Action Forces ng pulis ang kanilang operasyong militar sa naturang bayan noon pang Setyembre. Pangunahing […]

87th IB, 1 linggong binomba ang isang bayan sa Western Samar
October 25, 2023

Nagdulot ng labis na takot at perwisyo sa mga residente ang isang linggong pambobomba at panganganyon ng 87th IB sa mga sakahan sa mga barangay ng San Nicolas at Aguingayan sa San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 23 hanggang Setyembre 29. Araw-gabi ang pambobomba ng militar gamit ang 105mm at 155mm howitzer nito. […]

Ambus ng NPA laban sa 59th IB sa Lobo, matagal nang inaasam ng mga magbubukid ng Batangas laban sa kontra-magsasakang AFP
October 23, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Batangas | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas |

“Aba, dapat lang! Sa mga NPA, may nasugatan ba?” Walang pagsidlan ang tuwa at bilib ng mga magsasakang Batangueño matapos mabalitaang binigwasan ng mga Pulang mandirigma ng Eduardo Dagli Command-Bagong Hukbong Bayan ang nag-ooperasyong iskwad ng 59th IBPA nitong ika-16 ng Oktubre at ang kanilang aktibong depensa sa isang labanan noong ika-15 kapwa sa Barangay […]

Magsasaka, labanan ang lumalalang kahirapan, tahakin ang landas ng pambansa demokratikong rebolusyon
October 23, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ngayong Buwan ng Magsasaka, pinagpupugayan ng NDFP-ST ang mga magsasaka na pangunahing pwersa sa produksyon ng bayan at pangunahing pwersa din ng rebolusyong Pilipino. Isinusulong ng NDFP-ST ang makatarungang pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupa, kabuhayan at karapatan sa gitna ng pang-aatake sa magsasaka at pag-aabandona ng estado sa agrikultura. Napapanahon na ipamalas ng […]

Wakasan ang pyudal at malapyudal na pagsasamantala, lutasin ang malawakang kahirapan at kagutuman! Itanghal at dakilain ang uring magsasaka!
October 21, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Ngayong Oktubre, buwan ng mga Magsasaka, dinadakila ng National Democratic Front-Palawan ang malawak na hanay ng uring magsasaka kabilang ang mga manggagawang bukid at mga mangingisda sa probinsya at buong bansa. Dapat itanghal ang kanilang kabayanihan sa araw-araw nilang pagpapagod at pagpapakasakit, katuwang ang uring manggagawa, upang pakainin ang buong lipunan sa harap ng sukdulang […]

Buwan ng Magsasaka, ginunita sa mga protesta laban sa pang-aagaw ng lupa, inhustisya at gutom
October 21, 2023

Ginunita ng mga magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Buwan ng Magsasaka sa pamamagitan ng mga pagkilos at protesta mula sa simula ng Oktubre. Lumundo ang paggunita sa isang martsa tungo sa Mendiola sa harap ng Malacañang noong Oktubre 20 ng daan-daang mga magsasaka mula sa Bicol, Southern Tagalog, Central Luzon at Negros. […]

Hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Sagay, muling ipinanawagan
October 21, 2023

Sa ika-5 anibersaryo ng Masaker sa Sagay, muling ipinanawagan ng mga grupong magsasaka ang hustisya para sa siyam na magsasaka at manggagawang bukid na pinaslang ng mga sundalo at paramilitar sa Hacienda Nene, Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental noong Oktubre 20, 2018. Kasama sa mga pinaslang sa Sagay ang apat na babae at dalawang […]

Rebolusyong agraryo sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan, natatanging solusyon sa kawalan ng sariling lupa ng mga magsasaka sa Batangas at buong bansa
October 20, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Batangas | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas |

Ngayon Buwan ng mga Pesante, iginagawad natin ang pinakamataas na pagkilala at pagpupugay sa lahat ng magbubukid sa buong bayan–ang pangunahing pwersa sa produksyon! Ipinapaabot din natin ang Pulang pagsaludo sa lahat ng Pulang kumander at mandirigma, at lahat ng kalahok sa demokratikong rebolusyong bayan na nagmula sa uring magsasaka. Kaalinsabay nito, ipinatatampok din natin […]

63rd IB, 802nd Brigade at 8th ID, Child Murderer!
October 20, 2023 | New People's Army | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | NPA-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) |

Kinukundena ng Arnulfo Ortiz Command (AOC-Western Samar) ang 63rd IB na walang awang pumatay sa isang magsasaka na si Ronie Obiado at apo nito na 2-taong gulang na si Intoy sa Sityo Salvacion, San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 25, 2023. Hindi inireport ng 63rd IB at 8th ID na inistraping nito ang […]

Mag-asawang magsasaka, pinatay ng 79th IB sa Negros Occidental
October 19, 2023

Brutal na pinaslang ng mga sundalo ng 79th IB ang mag-asawang magsasaka na sina Christian Job Vargas at Mailyn Salgado noong Oktubre 17 sa Sityo Nabalas 1, Barangay Canlusong, E.B. Magalona, Negros Occidental. Pinasubalian ng ina ni Vargas na si Jocelyn ang paratang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay ang dalawa sa […]