63rd IB, 802nd Brigade at 8th ID, Child Murderer!

, ,

Kinukundena ng Arnulfo Ortiz Command (AOC-Western Samar) ang 63rd IB na walang awang pumatay sa isang magsasaka na si Ronie Obiado at apo nito na 2-taong gulang na si Intoy sa Sityo Salvacion, San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 25, 2023. Hindi inireport ng 63rd IB at 8th ID na inistraping nito ang bahay ni Obiado kung saan kasama nito sa bahay ang asawa at isang apo.

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang asawa ni Obiado na isang katutubo. Nakatakbo ang mag-asawa na anak ni Obiado matapos na basta na lamang pagbabarilin ang kanilang bahay. Sa ulat ng anak ni Obiado pagbungad pa lamang ng mga sundalo ay nagpaputok na kaya naiwan niya ang anak. Ang kawawang sibilyan na nananahimik sa kanilang tahanan ang ginantihan ng 63rd IB matapos na mapatayan sila sa dalawang magkasunod na bigwas ng NPA noong Setyembre 23 at 24.

Nanawagan kami sa mga institusyon sa karapatang-tao na imbestigahan ang pagpatay. Singilin at pagbayarin ang 63rd IB, 802nd Brigade at 8th ID sa kanilang Pagpatay kay Obiado at sa apo nito.

Hustisya para sa pamilya Obiado!

63rd IB, 802nd Brigade at 8th ID, Child Murderer!