Archive of Peasants

Gunitain ang Buwan ng Magbubukid sa pagbalik-aral sa mga tagumpay na nakamit ng masang Masbatenyo upang isulong ang digmang magsasaka!
October 13, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Binabayo ng lumalalang kawalan ng lupa at kabuhayan ang masang magsasaka sa ilalim ng tumatalim na krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Habang walang ginagawa at isang malaking inutil ang rehimeng Marcos Jr sa harap ng tuluy-tuloy na pagsirit ng mga pangunahing bilihin, pagbagsak sa lokal na produksyon at lumalalang kaguluhan sa bansa. […]

Pagpapaulan ng bala ng 62nd IB sa Negros Occidental, kinundena
October 12, 2023

Kinundena ng September 21 Movement-South Negros, isang grupo nagtataguyod sa karapatang-tao, ang walang patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 62nd IB sa Sityo Kapaklan, Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental noong Oktubre 6, bandang ala-1 ng madaling araw. Ang pamamaril ay naganap malapit sa bahay ng isang residente sa lugar. Pinasinungalingan ng grupo ang sinabi ng […]

Tangkang pagmasaker at panggigipit ng 9th IB, naiulat sa Camarines Norte
October 11, 2023

Iniulat kamakailan ang serye ng sunud-sunod na harasment, intimidasyon at tangkang masaker sa masa ng Camarines Norte sa nagdaang tatlong buwan. Biktima ng karahasang militar ang mga residente at sibilyang populasyon sa mga barangay sa bayan ng Labo at Jose Panganiban sa Camarines Norte. Noong Setyembre 27, isang grupo ng mga katutubo ang tinangkang imasaker […]

8th ID, naghasik ng terorismo sa bayan ng Silvino Lobos sa Northern Samar
October 10, 2023

Hindi bababa sa 10 ang kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala sa mga barangay ng Silvino Lobos, Northern Samar sa unang hati ng 2023. Dahil sa tindi ng militarisasyon at teroristang paninibasib ng 8th ID at mga pulis, kamakailan lamang naiulat ang mga ito. Ang mga kasong ito ay maituturing na krimen sa digma […]

Hustisya, mailap pa rin sa magsasakang pinatay ng 20th IB sa Northern Samar
October 10, 2023

Wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga kaanak at pamilya ng magsasakang si Jonny Gorpido Albario, 42 anyos, na brual na pinaslang ng berdugong 20th IB noong Oktubre 10, 2022 sa Barangay San Miguel, Las Navas, Northern Samar. Matapos barilin, si Albario ay dalawang beses pang sinaksak ng mga sundalo—isa diretso sa puso at isa […]

Magkaisa at labanan ang tiyak na pasismong kakambal ng muling pagpasok ng mapaminsalang Labo Geothermal Project ng Philippine Geothermal Production Company, Inc. (PGPCI) sa prubinsya ng Camarine Norte!
October 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Dapat kumilos ang masang CamNorteño at labanan ang nakaambang pagtatayo ng power plant sa bundok ng Labo–sa boundary ng Camarines Norte at Camarines Sur. Ang nasabing proyekto ay pangangasiwaan ng kumpanyang PGPCI na 100% pag-aari ng SM Investment Corporation ng pamilyang Lopez. Sasaklawin nito ang 93.34 km² ng kalupaan ng nasabing lugar. Matatandaang huling bahagi […]

Serye ng mga paglabag sa karapatang-tao sa Camarines Norte, manipestasyon ng nag-uulol na NTF-Elcac na makapagtala ng mga pekeng surrender sa prubinsya
October 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Armando Catapia Command NPA- Camarines Norte ang serye ng sunod-sunod na harassment at pananakot sa mamamayan ng prubinsya. Isa itong malinaw na paglabag sa karapatang-tao at paglabag sa internasyunal na makataong batas. Bukod dito, pagpapakita rin ito na higit kailan man ay hindi seryosong tupdin ng AFP-PNP-CAFGU ang batas hinggil sa karapatang-tao. […]

Pribadong gwardya ng nangangamkam ng lupa sa Bulacan, nanutok ng baril
October 07, 2023

Tinutukan ng mga armadong gwardya ang mga residente sa Purok 2, Barangay Kaybanban, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon, Oktubre 6 na tumututol sa ginawang pagbabakod sa lupa ng mga magsasaka sa lugar. Kinumpronta ng mga tao ang mga gwardya na nagbabakod sa lupang inaangkin ng isang nagngangalang Evelyn Garcia. Ang naturang lupa […]

Mga magsasaka ng Hacienda Tinang, nagpiket sa upisina ng Ombudsman
October 06, 2023

Nagpiket sa upisina ng Ombudsman sa Quezon City noong Oktubre 4 ang mga magsasakang kasapi ng Malayang Kilusang Samahan ng Magsasaka ng Tinang (Makisama-Tinang) mula sa Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac. Kasabay ito ng paghahain nila ng motion for reconsideration sa pagbasura ng Ombudsman sa mga kriminal at administratibong kaso laban sa mga pulis ng Concepcion […]

Piket-dayalogo, inilunsad ng mga magbubukid sa Antipolo City
October 06, 2023

Nagpiket ang mga magsasaka ng Sityo Nagpatong, Barangay San Jose, Antipolo City kasabay ng pakikipagdayalogo ng mga lider nito sa alkalde ng syudad noong Oktubre 4. Inihapag nila, sa pamamagitan ng Pagkakaisa at Bukluran ng mga Magsasaka sa Nagpatong Inc, ang kanilang pagtutol sa pangangamkam ng lupa ng pamilyang Gatlabayan sa Sityo Nagpatong. Matatandaang inilunsad […]