Archive of Peasants

62.4 ektaryang lupa, nakamit ng mga magsasaka ng Tinang
April 29, 2023

Matapos igiit ng mga magsasaka, naglabas ng atas ang Department of Agrarian Reform (DAR) noong Abril 26 para ipamahagi na ang 62.3 ektaryang lupa sa 90 magsasaka bilang agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Ayon sa grupong Malayang Kilusang Samahang Magsasaka ng Tinang (MAKISAMA-Tinang), “walang karapatan ang nakakamit nang hindi ipinaglalaban!” […]

Sapat na produksyon, sagot sa napipintong kasalatan sa pandaigdigang suplay ng bigas
April 28, 2023

Napipinto ang kasalatan ng suplay ng bigas sa buong mundo ngayong 2023, ayon sa isang pananaliksik ng Fitch Solutions Country Risk & Industry Research na may petsang Abril 4. Sa taya ng Fitch, posibleng umabot sa 8.7 milyong tonelada ang kukulangin sa suplay. Huling nagkaroon ng malaking kakulangan sa suplay noong 2004. Kabilang sa ibinigay […]

Ilantad at itakwil ang huwad at nakalalasong programang pambarangay ng NTF-ELCAC! Isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at makabuluhang pagbabago!
April 20, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

  Download here: PDF Nagbabadyang dumating sa ating mga komunidad ang kunwari’y kaunlarang hatid ng militar, ng DILG at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa ilalim ng Barangay Development Program o BDP. Milyong halaga umano ng proyekto ang ibibigay ng gubyerno sa kada barangay na wala nang presensya ng NPA. […]

Mga sakahan sa Tarlac, kinakamkam ng AFP
April 17, 2023

Nagprotesta sa harap ng munisipyo ng Capas, Tarlac noong Abril 13 ang daan-daang residente mula sa mga barangay Santa Lucia at Lawy para igiit ang kanilang karapatan sa lupang binubungkal. Hiningi ng mga residenteng myembro ng Nagkakaisang Mamamayan ng Santa Lucia para sa Lupa, Kabuhayan, at Paninirahan na mamamagitan ang lokal na gubyerno para ipagtanggol […]

Mag-asawang magsasaka, inaresto ng 62nd IB
April 16, 2023

Hindi makatarungang inaresto ng mga sundalo ng 62nd IB ang mag-asawang magsasaka na sina Jerry Montefalcon, 49, at Maricel Alper sa kanilang tinutuluyang bahay sa Sityo Natuling, Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental nong Abril 15. Sinugod ng mga sundalo ang bahay ng pamilya bandang alas-4 ng madaling araw, sa katahimikan ng komunidad at panahon […]

Bilhin ang bigas sa magsasaka, di sa ibang bansa, giit ng mga grupo sa NFA
April 15, 2023

Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Amihan National Federation of Peasant Women at grupong Bantay Bigas ang mungkahi ng National Food Authority (NFA) na mag-import ng 330,000 metriko toneladang (MT) bigas para punan ang tinatayang kakulangan ng lokal na produksyon ng bigas. Kaugnay ito ng napipintong kakulangan sa nakaimbak na bigas sa bansa. Dapat sapat […]

Posibleng epekto ng El Niño, dapat paghandaan—mga magsasaka
April 15, 2023

Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Department of Agriculture (DA) at gubyernong Marcos Jr na kagyat na maglatag ng programa bilang paghahanda at pag-agapay sa posibleng maging epekto ng tatamang El Niño sa bansa. Inaasahang hahagupit ang El Nino sa huling hati ng taon. Ayon sa KMP, dapat magbuo ng plano ang gubyerno […]

Sama-samang kumilos laban sa malawakang pangangamkam ng lupa sa Masbate
April 04, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Tulad sa kanyang ama, galit at kinamumuhian ng masang Masbatenyo ang rehimeng Bongbong Marcos Junior. Higit na nasusuklam sa kanya ang mga magsasaka sa Masbate. Walang ipinagkaiba ang anak sa kanyang ama kung paano nito inaaagaw ang lupang sakahan ng mga magsasaka sa prubinsya. Kasabwat ang lokal na mga upisyal (lokal na naghaharing-uri) sa Masbate, […]

Araw ng kawalan ng lupa, ginunita sa Pilipinas
March 31, 2023

Nagsagawa ng mga protesta ang mga magsasaka sa Pilipinas noong Marso 29 bilang pakikiisa sa mga magsasaka sa buong mundo sa taunang Internasyunal na Araw ng Kawalan ng Lupa. Sa Metro Manila, nagtungo sa Department of Agrarian Reform ang mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid sa Pilipinas at ibang mga demokratikong grupo para igiit […]

Mahabang martsa ng magsasaka laban sa neoliberalismo sa India, nagtagumpay
March 22, 2023

Matagumpay na naigiit ng mga magsasaka mula sa Nahir, India ang kanilang mga hiling laban sa neoliberal na mga patakaran sa agrikultura ng reaksyunaryong estadong Indian. Nagmartsa ang puu-puong libong magsasaka mula sa Nashik sa direksyon ng Mumbai, ang kabisera ng bansa, simula Marso 12 para igiit ang kanilang mga karapatan at kagalingan. Tumigil sila […]