Kasama ang laksang mamamayang Pilipino, kinukundena ng NDFP-ST ang tuluy-tuloy na pang-aatake ng estado sa kilusang paggawa. Sa Timog Katagalugan, tuluy-tuloy ang mga kaso ng pagbabanta at intimidasyon sa mga lider-manggagawa at kanilang mga unyon na pinangungunahan ng Task Force-Ugnay ng NTF-ELCAC at mga pwersa ng AFP-PNP. Pinakahuling inulat na biktima ng sarbeylans at panghaharas […]
Patapos na ang taon ngunit hindi pa rin tapos ang ilang proyekto ng Support Barangay Development Program-End Local Communist Armed Conflict (SBDP-ELCAC) na sinimulan noong 2021. Tatlong taon na itong ginagawang gatasan ng mga heneral at upisyal ng 5th Infantry Division Philippine Army at mga kasapakat na lokal na burukrata. Nasa papel pa lamang ang […]
Pinalayas ng mga residente ng Sityo Baclay, Barangay Bacolod, Milagros sa Masbate ang himpilan ng mga sundalo ng 2nd IB na nakatayo sa naturang sityo matapos magreklamo ang mga residente laban dito. Ipinaabot nila ang kanilang disgusto sa pamamagitan ng pagtitipon para ipetisyon ang pagpapalayas sa kampo militar. Anila, wala itong idinulot sa kanila kundi […]
The Communist Party of the Philippines condemns the profit-hungry oil companies for incessantly imposing increases in the prices of petroleum products over the past six weeks, resulting an ever sharper rise in the people’s cost of living and rapid decline in their standard of living. Over the past two years, giant oil companies have been […]
Higit 1,000 magtutubo, kasapi ng demokratikong organisasyon at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka ang nagtipun-tipon sa isang solidarity mission sa Barangay Calantas, Calaca City, Batangas noong Agosto 13. Ang aktibidad ay pagpapamalas ng kanilang pagkakaisa laban sa militarisasyon ng 59th IB sa kanilang mga komunidad at para igiit ang pagbibigay ng sapat na suporta […]
Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang mga hayok-sa-tubong mga kumpanya sa langis sa walang-awat na pagpapataw ng dagdag na presyo sa mga produktong petrolyo sa nagdaang anim na linggo, na nagresulta sa higit na mas matarik na pagsirit sa halaga ng pamumuhay ng mamamayan at mabilis na pagbulusok sa kanilang katayuan sa pamumuhay. […]
Dulot nang hindi na maatim na epekto sa kabuhayan at pangamba sa buhay, ispontanyong kumilos ang mga mamamayan sa bayan ng Milagros upang palayasin ang punong himpilan ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army na nakabase sa naturang bayan. Ayon sa nakuhang ulat ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate, nagtipon sa bulwagan ng munisipyo ang mga residente ng […]
Mariing kinukundena ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog ang panghaharas ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS). Pinakahuli rito ang panganganyon ng tubig ng Chinese Coast Guard sa bangka ng Philippine Coast Guard na magsusuplay ng rekurso sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa WPS, saklaw ng exclusive economic zone […]
Halos naubos sa loob ng isang araw ang ₱1 bilyong pondong inilaan para sa kumpensasyon o bayad-pinsala sa mga biktima ng pambobomba ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi City. Sa isang pagdinig sa Kongreso noong Agosto 1, inulat ni Maisara Latiph, pinuno ng Marawi Compensation Board (MCB), na nalimas ang ₱800,000 sa unang […]
Kabi-kabilang batikos ang inani ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang pahayag na wala siyang magagawa sa harap ng walang awat na pagtaas na presyo ng langis. Sa panlimang pagkakataon sa loob ng limang linggo, itinaas ng mga kumpanya ng langis noong Martes, Agosto 8, ang presyo ng gasolina nang ₱.50, diesel nang ₱4 at kerosin […]