Nagmartsa ang humigit-kumulang 2,000 residente mula sa iba’t ibang prubinsya ng Samar noong umage ng Agosto 7 para manawagan na itigil ang mapanirang pagmimina sa mga isla ng Homonhon at Manicani at iba pang bahagi ng isla. Pinangunahan ang protesta ng Commission on Social Action ng Diocese of Borongan na inilunsad sa sentro ng Borongan […]
Kinundena ng mga grupo sa transportasyon sa pangunguna ng No To PUV Phaseout Coalition Panay ang panggigipit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 6 sa mga tsuper at opereytor na lumahok sa tigil-pasada noong Hulyo 24. Ipinatawag ng LTFRB Region 6 ang mga tsuper para sa isang pagdinig noong Agosto 4 sa […]
Inilunsad noong Hulyo 17 at 18 ang pagtitipon ng mga lider at kinatawan ng mga bansa mula sa Community of Latin American and Caribbean States (CELAC) at European Union (EU) sa Brussels, Belgium para palakasin ang “pagtutulungan” sa pagitan ng dalawang blokeng panrehiyon. Sa pulong, mahigpit na iginiit ng mga gubyernong bumubuo ng CELAC ang […]
Nagpaabot ng pakikiramay ang Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Rizal sa mga kaanak ng nasawing 27 kataong sakay ng lumubog na pampasaherong bangka sa Laguna de bay sa Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal na patawid tungo sa Barangay Gulod sa Talim Island noong Hulyo 27, 2023. Dagdag sila sa 21 namatay, walong nawawala dahil sa pagguho ng […]
Ilulunsad ng Friends of the Filipino people in Struggle (FFPS) sa Agosto 26 ang isang Global Day of Action para suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa pambansang paglaya. Itinaon nila ang aktibidad sa anibersaryo ng “Sigaw ng Pugad Lawin” kung saan pinangunahan ni Andres Bonifacio ang pagpupunit ng mga sedula bilang simbolo ng […]
Nakiisa ang International League of Peoples’ Struggle (ILPS) at iba’t ibang organisasyon sa Asia sa pagdiriwang ng ika-70 taong anibersaryo ng pagtatagumpay ng mamamayang Korean laban sa imperyalistang gera ng US noong Hulyo 27. Sa araw na iyon, isinagawa ng mga organisasyon ang isang “watch party” (sabayang panonood) sa isang pagtitipon na isinagawa sa Bali, […]
Pagpatak ng alas-6 ng umaga ngayong unang araw ng Agosto, tumaas ang presyo ng langis nang hanggang ₱3.50 kada litro. Kahapon, isang araw bago ang pagsirit na ito sa presyo ng langis, nagtipon ang mga manggagawa at mga tsuper sa harap ng Philcoa sa Quezon City para iprotesta ang isa na namang “bigtime” na pagtaas […]
Download here: PDF
Tahasang binalewala at tinanggihan ng panrehiyong kumand ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Southern Tagalog and alok na amnestiya ni Ferdinand Marcos Jr na inilatag niya sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24. Ayon sa yunit, “Walang kasapi ng BHB-ST na tatanggap sa alok na amnestiya at titigil sa pagrerebolusyon.” Giit […]
Pawang buladas lamang ang binanggit ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II na mga “tagumpay” sa kanyang ikalawang SONA. Tulad ng inaasahan, puros kahibangan at delusyon lang ang sinambit ng rehimen kaugnay sa tunay na kalagayan ng bansa. Bilang beteranong salamangkero, lumikha ito ng ilusyon na sa isang taon, naihatid ng kanyang rehimen ang pagbabago at kaunlaran […]