Dismayado ang Kapatid, grupo ng mga kaanak at kaibigan ng mga bilanggong pulitikal, sa hindi pagsasali sa 84-taong gulang na bilanggong pulitikal na si Gerardo Dela Peña sa listahan ng mga pinalaya noong kapaskuhan sa kabila ng kanyang katandaan at pagkakaroon ng sakit. Kaugnay ito ng ipinatupad na resolusyon ng Bureau of Pardons and Parole […]
Nagdaos ng isang misang Katoliko ang pinunong obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David para sa mga bilanggong pulitikal at mga nakapiit sa Metro Manila District Jail Annex 4 (MMDJ-4) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Enero 16. Naisagawa ito sa imbitasyon at pag-aasikaso […]
Ikinalugod ng mga bilanggong pulitikal ng Pilipinas ang posibilidad ng panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Umaabot sa 800 ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. “Bubuksan kaya ang pintuan ng mga kulungan para sa mga nakapiit sa muling […]
Isinisi ng National Democratic Front (NDF)-Cagayan Valley sa rehimeng Marcos ang pagkamatay ng 67-anyos na bilanggong pulitikal na si Cristeta Miguel sa sakit na kanser sa baga noong Nobyembre 20. Namatay siya sa loob ng kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Tuguegarao City nang walang hustisya laban sa hindi makatarungang pag-aresto […]
Mariing ipinapanawagan ng NDFP-ST ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Bilanggong Pulitikal ang pagpapalaya at pagbabasura sa mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa 800 political detainees sa bansa. Dapat agarang palayain ang mga ina ng mga paslit, matatanda at mga maysakit na iligal na ikinulong bilang pagtalima sa International Humanitarian Law. Ang patuloy na pagdetine sa […]
Napopoot ang buong rebolusyonaryong pwersa, ang masang magsasaka at lahat ng mga kaibigan at alyado ng rebolusyonaryong kilusan sa Cagayan Valley sa mapaniil na estadong nagpiit hanggang mamamatay sa bilangguan si Kasamang Cristina Miguel o mas kilala ng masa bilang Ka Asad o Ka Sig. Dahil sa katandaan, may iniinda na siyang mga karamdaman tulad […]
Dapat ilitaw at palayain ng AFP-PNP sina Ka Ed (Sonny Rogelio) at Ka Omeng (Sonny Sambutan), mga mandirigma ng Lucio de Guzman Command – NPA-Mindoro na nabihag ng 203rd Brigade at PNP-SAF matapos ang isang engkwentro noong Oktubre 17 sa Bongabong, Oriental Mindoro. Sugatan si Ka Ed at isang hors de combat o wala sa […]
Sa darating na Oktubre 19, papasok na sa ika-6 taon ang iligal na detensyon ng reaksyunaryong estado kina Benito Quilloy at Rita Espinoza, parehong kasapi ng ng ASCENT (Assert Socio-Economic Initiatives Network). Ang ASCENT ay network ng mga organisasyong nagtataguyod sa karapatan sa kaunlaran. Sina Quilloy at Espinosa ay hindi makatarungang inaresto ng mga pwersa […]
Nakalaya noong Oktubre 6 si Danah Marie Marcellana, istap ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), matapos makapagpyansa sa gawa-gawang kasong rebelyon na isinampa sa kanya ng militar. Pinararatangan siya ng militar na imbwelto sa isang insidente noong 2008, noong siya’y 12 anyos pa lamang. Si Marcellana ay inaresto noong Hulyo 2021 […]
Nakalaya ngayong araw, Hulyo 28, ang pamilyang de la Cerna matapos ang lampas tatlong taong di makatarungang detensyon matapos magpyansa ng P600,000. Nakalaya sina Karina de la Cerna, at ang kanyang mga magulang na Albert at Ma. Pilar Dela Cerna, isang pamilyang organisador ng mga magsasaka sa Negros. Ang pamilya ay inaresto sa Bacolod City […]