Archive of Urban Poor

7 kontra-demolisyong aktibista at residente sa Cebu, inaresto ng pulis
November 29, 2023

Marahas na inaresto ng mga pwersa ng estado ang pitong kontra-demolisyong aktibista at residente ng Sityo Casia, Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu habang nagpuprotesta laban sa iligal na demolisyon sa 39 bahay mula pa kahapon, Nobyembre 28. Dinakip ng mga pulis ang apat na residente na sina Marjhun Amoroto, Belt Sasar, Lito Padillon at Cris […]

Bantang demolisyon sa San Roque sa Quezon City, tinututulan
November 08, 2023

Tutol ang mga residente sa planong demolisyon at pagpapalayas sa mga residente ng Area H, Sityo San Roque sa Quezon City na sumasaklaw sa kahabaan ng Agham Road. Sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-San Roque, sumulat ang mga residente sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), National Housing Authority (NHA), lokal na […]

Halos 51 milyong Pilipino ang dumanas ng "food insecurity' noong 2022
October 28, 2023

Tinatayang nasa 50.9 milyon o 44.7% ng mga Pilipino ang dumanas ng katamtaman (moderate) hanggang pamalagiang (chronic) “food insecurity” o kalagayang wala silang katiyakan kung saan kukunin ang sunod na makakain. Ang ganitong pagtaya ay nakabatay sa isinagawang sarbey ng United Nations na sumasaklaw sa mga taong 2020 hanggang 2022. Pinakamataas ang bilang ng mga […]

Tigil-pasada kontra korapsyon at PUV phaseout, inilunsad ng mga drayber at opereytor ng dyip
October 17, 2023

Inilunsad ng mga drayber at opereytor ng dyip at iba pang pampublikong transportasyon ang tigil-pasada kahapon, Oktubre 16, para tuligsain ang korapsyon sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr). Ang tigil-pasada ng mga drayber at opereytor sa pangunguna ng grupong Manibela ay suportado rin ng Pagkakaisa ng […]

Ayuda sa maralitang biktima ng sakuna, iginigiit
October 01, 2023

Nanawagan ang Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan (PLM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na bigyan ng ayuda ang mga maralitang residente ng Payatas, Quezon City na nalubog ng abot-baywang na baha noong huling linggo ng Setyembre. Dismayado sila sa kawalang aksyon ng gubyerno. Anila, ganito palagi ang sitwasyon ng mga residente […]

Barikada sa Valenzuela, marahas na dinemolish ng kapulisan
July 14, 2023

Marahas na denimolis ng pinagsanib na pwersa ng PNP at lokal na gubyerno ng Valenzuela ang mahigit-kumulang 400 kabahayan sa Block 6 sa Barangay Veinte Reales noong Miyerkules, Hulyo 12. Sugatan ang ilang residente at kanilang mga tagasuporta. Pinagtangkaan pang dakipin kahit ang midya at kabataan na nagdodokumento ng barikada. Ayon sa ulat ng mga […]

Pekeng konsultasyon ng LTFRB, kinundena
July 08, 2023

Binatikos ng grupong Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide) ang inilunsad ng “konsultasyon” ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drayber at opereytor ng dyip kahapon, Hulyo 7, sa Camp Karingal sa Quezon City. Imbes na kapakanan ng sektor ang pag-usapan, paninira sa mga progresibong grupo ang naging […]

Jeepney phaseout, iniraratsada ng ADB at mga Duterte sa Davao
July 02, 2023

Habang pansamantalang naipagpaliban ang pakanang jeepney phaseout sa Metro Manila, todo na itong ipatutupad sa Davao City. Noong Hunyo 29, pormal nang ibinigay ng Asian Development Bank ang $1 bilyon utang para sa Davao Public Transport Modernization Project, isang proyektong mag-aangkat ng 1,100 bus na magiging pamalit sa mga tradisyunal na dyip. Ginamit ng ADB […]

Suportahan ang laban ng mga pamilya ng biktima ng madugong drug war ni Duterte
May 28, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Binabati ng NDF-Bikol ang lahat ng pamilya ng mga biktima ng madugong drug war ni Duterte sa kanilang tapang at determinasyon na isiwalat sa buong mundo ang mga krimen ng dating pangulo at papanagutin ang lahat ng salarin sa kanilang utang na dugo. Sa kabila ng samu’t saring salimuot, nagsimula nang makapagsumite ng kanilang mga […]

Mga residente ng pabahay sa Pandi, nagkamit ng serbisyong patubig
May 08, 2023

Ipinagdiwang ng grupong Kadamay ang pagdaloy ng tubig sa BFP Pabahay sa Pandi, Bulacan. Binati nito ang mga residente na walang kapaguran at sama-samang ipinaglaban ang kanilang karapatan sa batayang serbisyong panlipunan. “Matapos ang anim na taon ng paghihintay, nakamit na rin sa wakas ng mga taga BFP Pabahay sa Pandi, Bulacan ang kanilang hiling […]