Pinakamalamang na walang taas-sahod sa susunod na taon, deklara ng kalihim ng Department of Labor and Employment na si Bienvenido Laguesma noong araw mismo ng Pasko. Aniya, ito ay para “mag-sink in” o “lubos na maramdaman” ng mga manggagawa ang dagdag-sahod na ipinatupad ng iba’t ibang regional wage board ngayon taon. Bahagya niya itong binawi […]
Naghain ng Notice of Strike ang unyon na Buklod ng Manggagawa sa FCF Manufacturing (BMFCFM) sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) noong Disyembre 5 matapos tanggihan ng kapitalista ng FCF Manufacturing ang giit ng unyon na ₱50 dagdag sahod sa collective bargaining agreement (CBA) nito. Inalok lamang ang mga manggagawa ng mapang-insultong ₱2 dagdag-sahod. […]
Nagprotesta sa upisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City noong Disyembre 18 ang mga drayber ng bus mula sa iba’t ibang kumpanya upang tutulan ang hindi makatarungang Demerit Points System ng ahensya na ipinatupad noon pang 2019. Pinangunahan ang pagkilos ng Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (Manibela). Nagpataw ang naturang sistema, […]
Sa unang araw ng tigil-pasada ng mga tsuper at opereytor, nagtayo ng kampuhan ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at No To PUV Phaseout Coalition sa harap ng upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City para tutulan ang anti-mahirap na public utility vehicle (PUV) phaseout. […]
Walang-maliw na mga kilos protesta at aksyong masa ang inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan at kanilang unyon sa pamumuno ng Alliance of Health Workers (AHW) mula pa noong Disyembre 5. Linggo-linggong naglulunsad ng mga pagkilos ang AHW sa mga ospital. Noong Disyembre 13 sumugod sila sa Department of Budget and Management (DBM) para igiit ang […]
Tuluy-tuloy ang mga protesta ng mga manggagawa ng Converge ICT, pag-aari ng pamilyang Uy, sa nagdaang linggo laban sa pakanang tanggalan at “cost-cutting” ng kumpanya. Naghain ang kumpanya ng “notice of redundancy” noong Oktubre laban sa 600 manggagawa ng Metroworks (kapatid na kumpanya ng Converge) sa buong Metro Manila. Tutol sa pakanang ito ang Metroworks […]
Matapos ang ilang buwang paggigiit, nagtagumpay ang siyam na manggagawa ng Jollibee Food Corporation sa Jollibee Journal Square sa Jersey City, New Jersey, sa US sa kanilang laban matapos iligal na tanggalin noong Pebrero. Makatatanggap ang siyam ng $84,600 (sa anyo ng back pay o sweldo sa panahong sila’y iligal na sinisante at bayad pinsala). […]
Ibinasura ng isang korte sa San Mateo Rizal ang kasong frustrated homicide laban sa organisador ng manggagawa na si Benjamin Cordero noong Nobyembre 29. Inaresto si Cordero noong Oktubre 25, 2022 sa kanyang tinutuluyan sa Quezon City at nakalaya rin matapos magpyansa. Si Cordero ay lider ng Samahan ng Manggagawa sa Quezon City at tumatayong […]
Naglunsad ng protesta ang mga unyon ng manggagawa at grupo ng mga kabataan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para gunitain ang ika-160 araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, Ama ng Himagsikang Pilipino, noong Nobyembre 30. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang nagkakaisang hanay ng mga manggagawa habang nagmartsa ang mga kabataan sa pangunguna ng […]
Idineklara ng limang sentrong unyon at grupo sa paggawa na sama-sama silang magmamartsa sa Maynila sa darating na Nobyembre 30 bilang paggunita sa ika-160 kaarawan ni Andres Bonifacio, ama ng himagsikang Pilipino. Kabilang sa mga lalahok sa martsa patungong Mendiola ay ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Buklurang Manggagawa, National Confederation of Labor (NFL), Association of […]