Tuluy-tuloy ang tanggalan ng mga manggagawa sa industriya ng teknolohiya sa buong mundo nitong taon. Sa unang apat na linggo pa lamang ng 2024, umabot na sa 24,584 manggagawa mula sa 93 kumpanya ang nawalan ng trabaho. Karugtong ito sa paglusaw ng mga kumpanya sa teknolohiya ng 260,000 trabaho noong 2023. Ayon sa mga pagsusuri, […]
Nagsimula na ang panibagong negosasyon ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union (NPIWU) at pamunuan ng Nexperia Philippines para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) para sa 2024 hanggang 2026. Inianunsyo ito ng unyon noong Enero 25. Magaganap ang panibagong negosasyon kasunod ng tanggalan sa mga manggagawa at ilang upisyal ng unyon noong Setyembre 2023. Dumalo sa […]
Hindi bababa sa 80 manggagawa ng SkyCable Corporation ang tatanggalin sa trabaho sa darating na Pebrero 26 matapos maisapinal ng pamunuan ng kumpanya ang pagbebenta nito sa kumpanyang PLDT ni Manny V. Pangilinan. Ang SkyCable ay pag-aari ng mga Lopez. Tatanggalin ang mga manggagawa sa pagdadahilang “redundancy.” Binatikos ng SkyCable Supervisors, Profesional/Technical Employees Union (SSPTEU) […]
Dismayado ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) dahil hindi ipinaalam o inilinaw ng pamunuan ng istasyon sa telebisyon na CNN Philippines sa mga manggagawa nito ang usapin kaugnay ng posibleng pagsasara ng kumpanya. Naiulat noong Enero 25 na nagdesisyon umano ang Nine Media Corp. at CNN na ihinto na ang kanilang kasunduan […]
Muling ipinanawagan ng mga manggagwa ng kumpanyang Chun Chiang Enterprises Manufacturing Incorporated (CCEMI) na ibigay na sa kanila ang kanilang separation pay. Labis na itong naantala mula nang magsarado ang kumpanya dahil sa umano’y pagkalugi noong 2022 sa kasagsagan ng pandemya. Nagpoprodyus ang kumpanya ng mga trousers at slacks para sa lalaki. Pag-aari ang pagawaan […]
Nagkaisang iginiit ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa New Zealand ang hindi pa naibibigay sa kanila na sahod nang biglang magsara ang kumpanyang nagkontrata sa kanila. Kasabay nito, itinulak nila ang embahada ng Pilipinas na kagyat na ilabas ang tulong at ayudang nararapat sa kanila. Nawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 manggagawa, kabilang ang […]
Nanawagan kahapon ang Migrante International para sa kagyat na pagbabasura ng dagdag-singil ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong taon. Nakatakdang itaas mula 4% tungong 5% ang sisingilin ng ahensya sa sahod ng mga overseas Filipino workers at migranteng Pilipino, na nangangahulugan ng pagtaas mula ₱500 hanggang ₱5,000 na kaltas sa mga sumasahod ng ₱10,000 […]
Isinapubliko kahapon, Enero 8, ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang desisyon ng korte sa Quezon City na ibasura ang mga kasong Direct Assault at Grave Coercion laban sa mga lider at organisador nito. Itinuring ito ng KMU bilang “mabuting balita” laluna sa pagbubukas ng taong 2024. Ang kaso ay isinampa ni Pcpl Mark Anthony Soliven […]
Naigiit ng Unyon ng mga Panadero sa PhilFoods Fresh Baked Product Inc. (UPPFBPI-OLALIA-KMU) sa kapitalistang kumpanya na pagkasunduan na ang “bargaining ground rules” na gagamiting gabay sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon at maneydsment. Kasunod ito ng kilos-protesta ng mga manggagawa at ng unyon sa harap ng National Conciliation and Mediation […]
Nagtigil-pasada ngayong araw, Disyembre 27, ang mga tsuper sa Davao City sa ilalim ng grupong Transmission-Piston. Ayon sa mga ulat, naparalisa nang 90% ang ruta ng Matina Aplaya at Matina Crossing kaninang alas-7 ng umaga. Nasa 80% naman ang natigil sa transportasyon sa ruta ng Toril. Bahagi ang tigil-pasada sa Davao ng serye ng mga […]