Archive of Imperialism

107 patay, karamihan sibilyan, sa pambobomba ng Saudi sa Yemen
January 26, 2022

Hindi bababa sa 107 ang sibilyan at kasapi ng grupong Houthi ang namatay habang daan-daan ang sugatan sa serye ng walang patumanggang mga air strike ng koalisyong militar na pinangungunahan ng Saudi Arabia sa hilagang Yemen noong Enero 17 at 21. Direktang tinarget ng mga pag-atakeng ito ang matataong mga lugar sa bansa at mga […]

Striketober: Magkakasunod na tagumpay, inani ng kilusang manggagawa sa US
January 07, 2022

Nagkamit ng mayor na mga tagumpay ang mga manggagawa sa dalawang multinasyunal na korporasyon sa US. Bumalik na sa trabaho ang nagwelgang mahigit 10,000 manggagawa sa John Deere at 1,400 sa Kellogg’s matapos makamit ang hinihinging karagdagang sahod at benepisyo. Bahagi ang mga manggagawa ng Striketober, kilusang welga na sumiklab sa iba’t ibang bahagi ng […]

Mga bakunang halos paso na ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa
January 01, 2022

Mga bakunang malapit nang mapaso ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas. Ito ang nalantad matapos ulanin ng puna ang US, UK at iba pang malalaking kapitalistang bansa sa pagsusubi ng milyun-milyong dosis na nagresulta sa tagibang na distribusyon ng bakuna. Binabatikos din ang pagtanggi ng mga ito na […]

Elon Musk, pinakayamang parasitiko sa mundo
January 01, 2022

  Simula Setyembre ngayong taon, tuluyan nang inungusan ni Elon Musk, may-ari ng kumpanyang Tesla, si Jeff Bezos, may-ari ng Amazon, bilang pinakamayamang indibidwal sa mundo. Noong Oktubre 25, tumaas ang kanyang halaga nang $25.6 bilyon sa loob lamang ng isang araw matapos ibalita ang plano ng kumpanyang Hertz na bumili ng 100,000 sasakyang gawang […]

Israel, imbwelto sa pagpaslang sa lider-militar ng Iran
December 29, 2021

  Sa unang pagkakataon, tuwirang nabunyag ang susing papel ng gubyerno ng Israel sa airstrike ng US na pumaslang sa lider militar ng Iran na si Gen. Qassem Soleimani sa Baghdad, Iraq noong Enero 3, 2020. Ang nasabing aksyong militar ay itinuturing na isang krimen sa digma at lantarang pagyurak sa pambansang soberanya ng Iraq at […]

Kontra-neoliberalismo na “milenyal” ang bagong presidente ng Chile
December 23, 2021

Nanalo si Gabriel Boric, isang 35-taong gulang na dating lider-estudyante, sa pangalawang serye ng eleksyong pampresidente sa bansang Chile noong Disyembre 19. Tinalo niya si José Antonio Kast, isang kongresista na kilalang tagapagtanggol ng pasista at neoliberal na mga patakaran ng dating diktador na si Augosto Pinochet. Tumakbo si Boric sa platapormang kontra-neoliberalismo. Tinagurian niya […]

Pamilya, tinamaan sa pambobomba ng US sa Syria
December 14, 2021

Isang pamilya ang tinamaan sa walang patumanggang drone strike (pambobomba gamit ang drone) ng US sa prubinsya ng Idlib sa Syria noong Biyernes. Anim ang nasugatan — ang padre de pamilyang si Ahmad Qassum, kanyang asawa at apat nilang anak na edad 10 hanggang 16. Ani Qassum, nagmistulang “palanguyan ng dugo” ang kanilang sasakyan matapos […]

Bakuna, ipinagdadamot ng monopolyong kumpanyang parmasyutika sa mamamayan ng mahihirap na bansa
December 07, 2021

Mas mahal ang pagbenta ng bakuna ng malalaking kumpanyang parmasyutika sa mahihirap na bansa kumpara sa pagbenta ng mga ito sa mas nakaaalwang mga bansa. Ang AztraZeneca, halimbawa, ay ibinenta ng $7 (P350 sa palitang $1=P50) sa Uganda at $5.25 (P262.50) sa South Africa. Pero ibinenta lamang ito ng kumpanya sa mga bansa sa European […]

Summit of Democracies: Demokrasya ayon sa dikta ng imperyalismong US
December 04, 2021

Sa darating na Disyembre 9 at 10, titipunin ng US ang 110 bansang itinuturing nitong mga “demokrasya” sa isang pagpupulong na tinaguriang “Summit of Democracies” (Pagpupulong ng mga Demokrasya). Layunin umano ng pagpupulong na ito ang labanan ang awtoritaryanismo at itaguyod ang mga “karapatan at kalayaan” sa buong mundo. Gayunpaman, imbitado rito ang mga bansang […]

Pambobomba ng US sa 64 sibilyan sa Syria, ibinunyag
November 14, 2021

Ibinunyag sa isang ulat ng pahayagang New York Times noong Nobyembre 14 ang sadyang pagtatago ng militar ng US sa pagpatay nito sa puu-puong sibilyan sa isinagawa nitong pambobomba sa Syria. Inilarawan ang pambobomba na “krimen sa gera” kahit ng mga upisyal militar. Sa partikular, tinukoy ng pahayagan ang insidente noong 2019 kung saan di […]