Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Nagbabalat-kayo ang AFP sa pahayag nito para sa women's equality—Makibaka
Walang katotohanan at kailangang hubaran ng maskara itong AFP na kamakailan ay ipinangalandakan ang pakikibahagi nito sa paggunita ng Buwan ng Kababaihang Anakpawis. Puros retorika para sa kanilang pogi points lamang nang pagbabanggitin nila diumano na sila ay kumikilala sa mahalagang kontribusyon ng mga kababaihan at para sa pagkakapantay-pantay. Kabalintunaan ang lahat. Dahil sa likod […]
Itigil ang pambobomba! Igalang ang karapatan at kaligtasan ng mga sibilyan!
Muli na namang ipinakita ng pasistang AFP ang pagiging terorista sa walang habas na pambobomba ng 203rd Infantry Brigade sa Mansalay, Oriental Mindoro, bandang 2:30 ng hapon noong Marso 1 kahit na walang kalabang mandirigma o yunit ng NPA sa lugar. Ang aktong ito ng AFP na tiyak na may basbas ng pangulo ng GRP […]
Teroristang 203rd IBde, panagutin sa pambobomba sa Mansalay
Mariing kinukundena ng NDF-Mindoro ang pambobomba at pamamaril ng 4th IBPA at 203rd IBde sa Sityo Lomboy, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Marso 1. Marapat singilin at papanagutin ang 203rd IBde sa panibagong bugso ng paghahasik ng takot at teror sa mamamayang Mindoreño. Unang nagpakana ng pekeng labanan ang 4th IBPA noong umaga ng […]
Pagpupugay sa malaking protestang bayan ng paggunita sa Pag-aalsang EDSA
Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Timog Katagalugan at buong bansa na lumahok sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA nitong Pebrero. Libu-libo ang tumungo sa lansangan, karamiha’y mga kabataan, upang sariwain ang diwa ng People Power. Ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Sara Duterte, pagpapanagot sa ama niyang si Rodrigo Duterte sa madudugong krimen at […]
Teroristang walang habas na pambobomba at pamamaril laban sa katutubong Mangyan ang ginawa ng 203rd Bde!
Tila mga asong nauulol ang mga berdugong sundalo ng 4th IBPA ng walang patumangga nilang pinagbabaril ang kaingin ng mga masa sa Sitio Lomboy, Barangay Panaytayan, Mansalay Oriental Mindoro kahapon Marso 1, 2025. Hindi pa nakuntento, bandang alas-2 ng hapon, agad nilang pinalipad ang dalawang helicopter ng 203rd Brigade upang magbagsak ng apat na bomba […]