Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Huwag umasa sa reaksyunaryong eleksyon! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!
February 25, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Ilocos | Rosa Guidon | Spokesperson |

Ngayong araw, Pebrero 25 ang kaarawan ng pagpapatalsik ng mamamayang Pilipino sa diktador at kurakot na presidente, si Ferdinand Marcos Sr noong 1986. Subalit dahil sa panlilinlang at kawalanghiyaan ng pamilya niya ay sinikap nilang makabalik upang ituloy ang pagpapakasasa sa kapangyarihan. Magaganap muli ang eleksyong midterm sa Mayo 2025 sa ilalim ng rehimeng Marcos […]

Singilin at pagbayarin ang rehimeng US-Marcos sa epekto ng kalamidad at pagbaha! Igiit ang sapat at napapanahong ayuda sa mga nasalanta!
February 25, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Sa muling paghambalos sa mamamayang Palaweño ng walang kaparis sa kasaysayan na mga kalamidad at pagbaha, dapat ugatin at itutok ang pagpapanagot sa papet at burukrata-kapitalistang estado pangunahin na sa rehimeng US-Marcos na siyang nagsakatuparan ng mga mapangwasak sa kalikasang mga proyekto at negosyo ng mga dayuhan at lokal na naghaharing uri. Ang mga pagdurusang […]

Humalaw ng aral mula sa makasaysayang paglaban ng mamamayan sa nakaraan upang maging sandata sa muling pagdaluyong ng rebolusyonaryong kilusan
February 25, 2025 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ipinaaabot ng Jose Rapsing Command-New People’s Army (NPA-Masbate) at buong rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya ang taos-pusong pakikiisa sa pagdiriwang sa ika-39 taong anibersaryo ng EDSA People Power. Sa makasaysayang araw na ito, dapat magbalik-tanaw ang mamamayan sa kanilang kagitingang ipinamalas upang ipataw ang kanilang kapangyarihan sa inutil at kamuhi-muhing diktador na si rehimeng Ferdinand Marcos […]

Isigaw muli ang panawagan ng mga makabayang guro noong EDSA: Makibaka, huwag matakot! Digmang bayan laban sa papet, pahirap at korap na rehimeng Marcos!
February 25, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) | Oliva Mandigma | Spokesperson |

Malaki ang naging papel ng mga rebolusyonaryong pwersa sa Pag-aalsang EDSA noong 1986. Ang mga aktibistang napakilos noong Sigwa ng Unang Kuwarto (FQS) ay naging tagapagtaguyod ng mga malalaking welgang bayan mula 70s hanggang sa EDSA 1986. Kaya isang karangalan sa mga kasapi ng Kaguma na gunitain at ipagpatuloy ang militanteng pagkilos ng mga makabayang […]

Pagnanakaw ng PNP Bayombon at militar sa Masbate City, ibinibintang sa NPA
February 25, 2025 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nito lamang Pebrero 21, 2025, alas-10 ng gabi ay walang habas na hinalughog ng mga 96th Infantry Battalion-Philippine Army at pulis Bayombon ang bahay ng isang pastol na kinilala sa pangalan na Budo Alegre sa Barangay Mapiña, Masbate City. Ninakaw ng mga pulis at militar ang alagang baboy na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱10,000, mga […]