Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Base militar ng US: Pangyuyurak sa Soberanya, Hindi Tugon sa Sakuna!
November 25, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST at mamamayan ng Southern Tagalog ang pahayag ni Marcos Jr. na malaking tulong ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at mga ayuda ng US para mapahusay ang “calamity response” ng rehimen. Ipinahayag niya ito sa courtesy call ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Malacañang noong Nobyembre 18, habang sinasalanta […]

Labing-apat na kaswalti sa hanay ng militar sa magkakasunod na kontra-kubkob sa bayan ng Uson at Baleno
November 25, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Pito ang patay habang pito ang sugatan sa hanay ng militar matapos makontra ng Hukbo ang tangkang pagkubkob ng mga militar sa magkakasunod na labanan sa mga bayan ng Uson at Baleno noong ikatlong linggo ng Nobyembre 2024. Sa labanang naganap sa Sityo Pile, Barangay San Jose, bayan ng Uson noong Nobyembre 22, napaghandaan ng […]

Isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon bilang tunay na solusyon upang makamit ang pambansang kalayaan at demokrasya!
November 25, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pormal nang binuksan sa publiko ang paligsahan ng mga kandidato para sa eleksyong 2025 matapos ang filing of certificate of candidacy (COC) noong October 1-8. Bago pa man ang pagsumite ng COC, kaliwa’t kanan na ang proklamasyon ng mga partido pulitikal at indibidwal na mga pulitiko. Noong September 26, pormal na inendorso ni Marcos Jr. ang […]

Pinaiigting ng atake ng Ukraine sa Russia sa utos ng US ang gera at nagbabanta ng mas malawak na sigalot
November 24, 2024 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Lubos na kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang imperyalistang gubyerno ng US sa pagpapatindi nito sa gera sa Ukraine nang ipinag-utos nito noong nakaraang linggo ang paggamit sa Army Tactical Missile System (ATACMs) na bigay ng US upang sumalakay sa kaloob-looban ng Russia. Ang utos, na itinabing sa pagbibigay ng “awtorisasyon” na gamitin […]

FMO sa Real, perwisyo sa mamamayan
November 23, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Ngayong Nobyembre, ikinasa ng AFP ang focused military operations (FMO) nito sa Real, Quezon. Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang naturang FMO at walang idinudulot kundi takot at perwisyo sa mamamayan sa naturang bayan. Sa loob ng 3 linggo nitong operasyon, serye na ng paglabag sa karapatang-tao ang naisagawa ng AFP. Iligal nitong hinalughog ang mga […]