Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Bagong kampo sa Libis ng Sityo San Ysiro, ibayong magsisilbi sa paggarison sa Antipolo
November 23, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Sukdulang kinukundena ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal ang pagdadagdag ng isa na namang kampo ng pasistang 80th IBPA sa saklaw ng Barangay San Jose, Antipolo City. Kasalukuyang nagkakampo ang mga maton ng Rizal sa Libis ng Sityo San Ysiro, at kung gayo’y mabibilang na ika-18 na himpilan nila sa barangay. Ginawa nang garison ng AFP-PNP […]

Ilantad at labanan ang mga pananabotahe ng US at GRP sa peace talks!
November 23, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ang daan patungo sa pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP ay palaging malubak at matinik dahil sa mga anti-kapayapaan at tuta ng US na mga pwersa ng GRP. Naninindigan ang NDF-ST na para magbukas ang usapang pangkapayapaan, dapat na tumbasan ng GRP ang sinseridad ng NDFP at tigilan ang mga pataksil […]

Hustisya para sa panibagong sibilyang biktima ng pagpaslang ng mga militar-CAFGU sa Donsol, Sorsogon
November 23, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon (Celso Minguez Command) at mamamayang Sorsoganon ang AFP-CAFGU sa panibagong kaso ng walang awang pagpaslang sa sibilyan. Nobyembre 2 nang gabi, sa Sityo Balogo, Barangay Cristo, Donsol, Sorsogon, sapilitang pinasok ng 2 armadong lalaki at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang maybahay na si Honeylet Herrera, may asawa at […]

Aktibong depensa ng BHB-Albay laban sa 49th IB
November 23, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Florante Orobia | Spokesperson |

Binigo ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ilalim ng Santos Binamera Command (SBC) ang pataksil na pag-atake ng 49th IBPA sa pansamantalang himpilan nito sa barangay Matanglad, Pioduran, Albay noong Oktubre 27 alas 5 ng umaga. Ligtas na nakamaniobra ang mga kasama samantalang dalawa ang namatay at isa ang sugatan sa hanay […]

Patatagin ang hanay, salagin ang mga atake at labanan ang pasismo
November 21, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Sa buwang ito, sama-sama at militante nating gunitain ang mga kilusang kabataang estudyante na nag-iwan ng marka sa kasaysayan at nagpatunay sa lakas na taglay ng nagkakaisang hanay ng mga kabataan. Ipanata nating ipagpapatuloy ang kasaysayang ito at pananatilihing nag-aalab ang paglaban ng mga estudyante para sa tunay na demokrasya at kalayaan lalo sa gitna […]