Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
(Video) Sa madaling salita
Download Download MORE ANG BAYAN VIDEOS ▸
Ika-7 pagbabasura sa kaso ng nakaw na yaman ng mga Marcos, kinundena
Pitong kaso na kaugnay sa pagbawi ng ninakaw na yaman ng pamilyang Marcos ang naibasura mula nang maupo si Ferdinand Marcos Jr sa poder. Tinatayang ₱2.3 bilyong nakaw na yaman ang nabawi ng mga Marcos mula sa mga kasong ito. Kinundena ito ng mga biktima ng batas militar at mga demokratikong organisasyon. Pinakahuli sa mga […]
Kampanya kontra dinastiya, marumi at marahas na eleksyon, inilunsad
Bilang paghahanda sa eleksyong 2025, inilunsad ng mga demokratikong organisasyon at partido ang magkahiwalay na kampanya laban sa dinastiyang pampulitika, at laban sa marumi at marahas na eleksyon. Layuning buklurin sa mga kampanyang ito ang pinakamalawak na mamamayan para maging mapagbantay sa kanilang karapatan sa pagboto. Panata kontra dinastiya Noong Oktubre 14, sama-samang pumirma ang […]
Proyektong pabahay, ginawang negosyo para pagkakitaan ang maralita
Huwad at kontra-maralita sa esensya ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) na sinimulan ng rehimeng Marcos noong 2022. Tusong layunin nitong palayasin ang mga maralita sa kanilang mga komunidad sa pangakong relokasyon at pagkakitaan sila sa pamamagitan ng matataas na singil na amortisasyon. Kasosyo ang mga pribadong debeloper, target ng programa na magtayo […]
Armadong sigalot sa Middle East, lalong pinag-aapoy ng US-Israel
Noong Oktubre 15, inianunsyo ng US na magpapadala ito ng mga sistemang Terminal High-Altitude Area Defense (THAAD) at 100 Amerikanong sundalo sa Israel, bilang paghahanda diumano sa potensyal na atake laban dito ng Iraq. Ito ay habang bukambibig ng ipokritong presidente nitong si Joseph Biden ang “deescalation” o pagpapahupa ng tensyon sa rehiyon na ibinunga […]