Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Armadong sigalot sa Middle East, lalong pinag-aapoy ng US-Israel
Noong Oktubre 15, inianunsyo ng US na magpapadala ito ng mga sistemang Terminal High-Altitude Area Defense (THAAD) at 100 Amerikanong sundalo sa Israel, bilang paghahanda diumano sa potensyal na atake laban dito ng Iraq. Ito ay habang bukambibig ng ipokritong presidente nitong si Joseph Biden ang “deescalation” o pagpapahupa ng tensyon sa rehiyon na ibinunga […]
Kundenahin ang pag-aresto sa konsultant pangkapayapaan ng NDFP na si Simeon "Ka Filiw" Naogsan
Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng US-Marcos at ang mga pasistang galamay nito sa ginawang pag-aresto at pagkukulong kay Simeon “Ka Filiw” Naogsan, tagapagsalita ng Cordillera People’s Democratic Front at isang kilalang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa negosasyong pangkapayapaan. Ayon sa mga ulat, si Ka Filiw […]
Wakasan ang akomodasyon sa pulitika, itulak si Marcos na panagutin ang mga Duterte sa korapsyon at mga krimen
Ang kaliwa’t kanang mga birada kahapon ni Sara Duterte laban kay Marcos ay isang desperadong pagtatangkang ilihis ang pansin sa kanyang dumaraming pananagutang kriminal na nagmula sa garapalang pag-abuso sa daan-daang milyong piso ng pondo ng gobyerno. Pinalalabas niya na “pulitika ang nasa likod” ng isinasagawang mga imbestigasyon sa kanyang katiwalian at pagnanakaw upang bigyang […]
Sigaw ng mga manggagawa, nakabubuhay na sahod hindi limos at mumo
Napakalaking insulto sa mga manggagawa ang barat na P30 dagdag-sahod sa rehiyon ng Cagayan Valley. Garapalan pang ipinagmamamalaki ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) na “timplado”, “dumaan sa provincial consultation” at “makatarungan at nararapat” lamang ang nasabing umento sa sahod batay sa implasyon sa rehiyon. Katwiran din ng RTWPB ang pagpapatupad noong Abril […]
Nakabubuhay na sahod, hindi mumong taas-sahod, ang dapat ipagkaloob sa mga manggagawa
Hindi dapat magtaka ang reaksyunaryong gubyerno at mga kapitalista kung salubungin ng pambabatikos ang ipinagmamalaki nilang P21-75 taas-sahod sa CALABARZON na inianunsyo nitong Setyembre 30. Lubhang maliit at hinati pa sa dalawang bigayan ang taas-sahod. Kahit idagdag sa kasalukuyang minimum wage sa rehiyon, hindi pa rin aabot ang sahod sa CALABARZON sa kalahati ng P1,200, […]