Ika-7 pagbabasura sa kaso ng nakaw na yaman ng mga Marcos, kinundena
Pitong kaso na kaugnay sa pagbawi ng ninakaw na yaman ng pamilyang Marcos ang naibasura mula nang maupo si Ferdinand Marcos Jr sa poder. Tinatayang ₱2.3 bilyong nakaw na yaman ang nabawi ng mga Marcos mula sa mga kasong ito. Kinundena ito ng mga biktima ng batas militar at mga demokratikong organisasyon.
Pinakahuli sa mga kasong naipabasura ng mga Marcos ang kaugnay sa ₱276 milyong halagang lupa at bahay sa Pilipinas at US. Ibinasura ng Sandiganbayan noong Oktubre 4 dahil sobrang tagal nang nakatengga ito sa korte. Bigo ang prosekusyon na usigin ang kaso sa nagdaang 37 taon.
May kabuuang 28 kasong kriminal at 43 kasong civil and forfeiture na isinampa laban sa mga Marcos sa Sandiganbayan mula 1986 hanggang 1995.
Ika-7 pagbabasura sa kaso ng nakaw na yaman ng mga Marcos, kinundena