Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mamamayan ng TK, lumahok sa armadong pakikibaka! Ipagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng NPA!
Nagdiriwang ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ng Timog Katagalugan sa ika-55 anibersaryo ng New People’s Army. Okasyon ito upang ipagbunyi ang nagpapatuloy na apoy ng armadong pakikibaka sa rehiyon at sa buong bansa sa nakalipas na mahigit limang dekada. Sa araw na ito, nagpupugay ang NDFP-ST sa mga rebolusyonaryong martir at bayani ng sambayanan na […]
Puspusang magwasto at iabante pasulong ang makatarungang digma ng Bagong Hukbong Bayan!
Ating marubdob na salubungin ang ika-55 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan ng may mahigpit na pagtangan sa mga kagyat at kritikal na mga tungkulin ng Kilusang Pagwawasto at malayong tumanaw na ipagtagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan at gapiin ang kaaway. Ating pagpugayan ang lahat ng mga pulang mandirigma at mga kumander na araw-araw na […]
Babae, ang lugar mo ay sa pambansa demokratikong rebolusyon! Sumapi sa NPA!
Pinakamainit na pagbati at pulang saludo ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan sa probinsya ng Laguna (MAKIBAKA Laguna) para sa ika-55 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Sa loob ng higit limang dekada ng pagsusulong ng armadong pakikibaka sa kanayunan, nakatatak na sa kasaysayan ang kontribusyon ng Hukbo sa dakilang kilusang mapagpalaya. Humarap […]
Pulang saludo kina Ka Zoe at Ka Isko, mga Bayani ng Sambayanan!
Kami’y walang tribo at lahat nang lipi ay sa amin. Kami’y walang bayan at lahat nang tahanan ay amin. Kami’y walang pangalan at lahat nang taguri ay amin. Sa mga pasista kami ang walang-mukha nilang kaaway Nanunubok gaya ng magnanakaw sa gabi, anghel ni kamatayan: Ang walang-patid, nakakasilaw, lihim na mata ng unos. Ang […]
#NPA55: Bibiguin ng Hukbo at mga Masbatenyo ang todong gera ng rehimeng US-Marcos Jr
Pinakamataas na pagbati ang ipinapaabot ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa Bagong Hukbong Bayan sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Binibigyang pugay din ng rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya ang mga Masbatenyong bayani at martir na nag-alay ng kanilang buhay para sa dakilang adhikaing palayain ang bayan sa tanikala ng dayuhan at kronikong kahirapan. Sila ay […]