Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mag-aral, magwasto, mag-opensiba, kamtin ang inisyatiba!
March 29, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee |

Pulang saludo sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang ipinararating ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan sa ika-55 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito. Nagdiriwang ang rebolusyonaryong mamamayan sa kanayunan at kalunsuran. Ipinagbubunyi nila ang maningning na kasaysayan ng kanilang Hukbo sa magiting na pagtatanggol sa kanilang interes laban sa mga uring nagsasamantala at nang-aapi […]

Digmang bayan ang sagot sa kahirapan at pasismo! Sumapi sa NPA!
March 29, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Kaisa ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang buong sambayanan sa selebrasyon ng ika-55 anibersaryo ng New People’s Army. Sama-sama nating ipinagdiriwang ngayon ang pagkakatatag ng NPA. Ang araw ng Marso 29, 1969 ay naging simula ng armadong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa pamumuno ng muling tatag na Communist Party of the Philippines (CPP) at nagpatuloy […]

Hindi kailanman malilimas ang isda sa malawak na tubig ng lalawigan ng Quezon at Batangas
March 28, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Nananatiling malalim ang ugat ng rebolusyonaryong kilusan sa mamamayan ng Quezon, gayundin sa lalawigan ng Batangas. Bagamat nagkaroon ng dalawang insidente ng mga depensibang labanan sa pagitan ng mersenaryo, mamamatay-tao at teroristang 59th IB at isang yunit ng Eduardo Dagli Command (EDC)-BHB Batangas at 85th IB at isang yunit ng ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB […]

Ang tagumpay ng BHB ay tagumpay ng mamamayan ng Quezon!
March 26, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Quezon | Kabataang Makabayan-Quezon | Ka Abet Peninsula | Spokesperson |

Mapulang pagbati ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Balangay Dani Lagrama sa matagumpay na pananambang ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army sa nag-ooperasyong sundalo ng 85th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Doña Aurora, Calauag, Quezon. Bandang alas-sais ng hapon nang paputukan ng mga pulang mandirigma ang nasa 30 sundalo ng 85th IBPA na nagsasagawa ng operasyong […]

Mamamayan ng Timog Katagalugan, kapit-bisig na harapin ang El Niño! Palpak at pahirap na ilehitimong rehimeng US-Marcos II, singilin!
March 26, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino na magkaisa para harapin ang El Niño at singilin ang kainutilan at kriminal na pagpapabaya ng reaksyunaryong estado sa panahon ng sakuna. Habang nagdarahop ang mamamayang Pilipino sa matinding krisis sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, tinatamaan ngayon ang bansa ng tagtuyot na dulot ng El Niño. […]