Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Lalong tumataba ang lupa ng Masbate para sa armadong rebolusyon
Tahimik na binubungkal ng mga magsasaka ang lupaing Triple A sa bayan ng Cawayan, bahagi ng mga kinumpiskang yaman ng pamilyang Marcos. Mapayapa itong naipaglaban at nakamit ng mga magsasaka. Lahat ng ligalidad at pagiging lehitimo ay taglay ng mga magsasaka sa naturang lupain, lalupa’t nakapailalim ito kahit sa mismong huwad na programang agraryo ng […]
85th IBPA, inambus ng NPA sa Quezon
Ilang araw bago ang itinakdang deadline ng hepe ng Armed Forces of the Philippines na uubusin nila ang lahat ng larangang gerilya ng New People’s Army sa bansa, tinambangan kahapon ng pulang hukbo ang nag-ooperasyong sundalo sa barangay Doña Aurora, bayan ng Calauag. Alas-sais ng hapon nang paputukan ng mga gerilya ng Apolonio Mendoza Command […]
Biktima ng oil spill sa Mindoro nananatiling walang katarungan, sama-samang kumilos para ipaglaban ang buhay at kabuhayan!
Isang taon na ang nakalilipas ng maranasan ng mga Mindoreño ang pinakamalaking trahedya sa karagatan nito, ang oil spill noong Pebrero 28,2023. Lumubog ang MT Princess Empress na may kargang 900,000 litro ng langis sa karagatan ng Pola, Oriental Mindoro. Pangunahing dapat managot sa trahedyang ito ang RDC Reield Marine Services at ang charterer ng […]
(Primer) Salanta ng El Niño: Tagtuyot, kapabayaan at pasismo ng rehimeng Marcos
DOWNLOAD Pambungad Upisyal nang inianunsyo nitong Marso ang paghina ng El Niño sa bansa at sa buong mundo. Gayunman, hindi ito nangangahulugan ng pagkasalba ng masang magsasaka at mamamayang Pilipino sa tuluy-tuloy pang salanta at pahirap na dulot ng tagtuyot. Sa katunayan, inaasahang tatagal pa hanggang Mayo o Hunyo ang pananalasa nito sa iba’t ibang […]
Sama-samang harapin at labanan ang pananalasa ng tagtuyot na dulot ng El Niño
Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan (NDFP-Palawan) sa panawagan ng bayan na lutasin ang mga suliranin sa buhay at kabuhayang sinasalanta ng tagtuyot na dala ng penomenong pangklimang El Niño, kasabay ang paniningil sa palpak at pabayang rehimeng US-Marcos II at mga lokal na burukrata. Ramdam na sa malaking bahagi ng probinsya ang […]