Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Matematika ng kusina
Anong halaga Ang ginagampanan Ng mga nagtataguyod sa kusina Sa pagbibigay sigla At pangangalaga sa bawat At lahat ng mandirigma Maingat na sinasalansan Ang mga kagamitan Sangkap, putahe’t ulam Para lamnan ang kumakalam Na tiyan Ng pagal na hukbo ng mamamayan Langkap ng pagmamahal Ang paghiwa ng karne’t isda Hinihimay ng buong husay Ang […]
Anghel Dela Guwardia
Alas tres kwarenta ‘y singko, makapal ang batukan ng aso. Pinasiyasat ang ilaya ng lupang inararo. OBSERBASYON: Kalastian sa unahang kubo. ABA, GINOO! Sa pinakamalapit na kanto, maririnig ang sunod-sunod na paghinto ng mga sasakyang bumilang ng pito. Lulan ang pasistang pulis at sundalo. PUNONG-PUNO! Samantala, sa lugar kung saan nagkagulo, ang CO ay […]
Lupang Ninuno, Ipaglaban
Lupang aming hinawan Daang-taong pinaunlad Magiting na dinepensahan Laban sa dayong mga gahaman Ngayo’y muling kinakamkam Ng iilang ganid, mayayaman Lupang binubungkal Kanilang tinawaran Upang bigyang-daan Eko-turismo’t minahan Kaunlaran ng iilan Kamatayan sa Dumagat Koro: Hasain na ang mga sundang Patalimin ang pana at sibat Bato, piko, kahit palakol Gamitin sa pagtatanggol Wala nang […]
Todtod: Tatama rin ako!
I. Tod..tod..tod..tod.. (tunog ng ulan) Maaga ang todo Di pa ko nag-aalmusal, isang tasang kape At natuto nang di magreklamo ang sikmura Pero kailangan ko paring maggayak At magtudtod sa maputik na gulod Kakaasi/Kahambal hambal Gutom na gutom si baket at mga anak ko Tod.. tod..tod..tod..tod.. (tunog ng pagtataga) Di pa kami tapos sa […]
Nang Magbangon ang mga Api
Ito ay halaw sa tunay na buhay ng mga masang nakikibaka sa kanlurang plangka ng Gitnang Luzon. Ang mga pangalan ng mga pangunahing tauhan ay sadyang hindi tinukoy sa mga kadahilanang panseguridad. Pulang-pula at sumisingasing sa galit na mukha ng panginoon. Pero nang mga sandaling iyon, walang maibulalas na katapangan ang kanyang bibig. Hawak […]