Lupang Ninuno, Ipaglaban

 

Lupang aming hinawan
Daang-taong pinaunlad
Magiting na dinepensahan
Laban sa dayong mga gahaman
Ngayo’y muling kinakamkam
Ng iilang ganid, mayayaman

Lupang binubungkal
Kanilang tinawaran
Upang bigyang-daan
Eko-turismo’t minahan
Kaunlaran ng iilan
Kamatayan sa Dumagat

Koro:
Hasain na ang mga sundang
Patalimin ang pana at sibat
Bato, piko, kahit palakol
Gamitin sa pagtatanggol
Wala nang ibang paraan
Wala nang aasahan pa
Lupang ninuno, depensahan
Ipaglaban hanggang kamatayan!

Balang may asukal
Pambusal ng bibig
Upang tayo’y manahimik
Butil ng bala
Sa mangahas magsalita
Sa mangahas na mag-alsa

Rebolusyonaryong dahas
Tanging magwawakas
Sa estadong marahas
Tribung Dumagat,
Magkaisa, mag-armas

Marso 30, 2023
Tula na balak gawing kanta. Itinanghal sa ika-54 anibersaryo ng hukbo.

Lupang Ninuno, Ipaglaban