Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

GM, Kasal, TO
February 08, 2024 |

“Ingat sa lakad, mga kasama! Kitakits sa susunod na linggo. Babay!” dala tukso ni Ka Day sa mga nagdadalamhating myembro ng isang iskwad. “Dugang kadasig sa lahat at mag-ingat tayo palagi!” pampalakas ng loob ni Ka Emm sa mga kasama habang nagkakamayan. Agosto 2020, natapos na ang pulong ng komite ng seksyon na namamahala sa […]

Semana Santa
February 08, 2024 |

Ito ay kwento ng mga kasamang napasuong sa isang depensibang aksyon sa kalagitnaan ng semana santa, at kung paano pumapel ang mga bagong saltang medical surgeon para gamutin at alagaan ang isang kasamang kritikal na nasugatan. Makikita rin dito ang mainit na pagtanggap ng masang matagal nang naghintay sa muling pagbalik ng hukbo. Semana santa […]

Dagli
February 08, 2024 |

  Maalinsangan ang panahon noong tanghaling iyon. Tumatagaktak ang aking pawis. Kay sarap lumangoy sa ilog sa ganitong oras! Kaso, naglalakbay kami para sa pinaplano naming TO (taktikal na opensiba). Nasanay na ako sa pagiging vanguard sa paglalakad- -nagmamasid, alerto at matalas ang pandama, tinitiyak ang paroroonan para sa buong yunit. Handang unang mapalaban, handang […]

Sa Dulo ng Baryo
February 08, 2024 |

Bundat na bundat ang tropa ng mga sundalo habang nilalantakan ang nakahaing pananghalian sa harap ng bahay ng isang mag-asawang magsasaka sa dulong bahagi ng baryo. Wala namang pyesta ngunit tila may piging sa dami ng pagkaing hiningi sa mag-asawa ng mga pasistang patay-gutom. “Solb tayo, ser!” walang kahiya-hiyang bulalas ng isang sundalo sa kanilang […]

Sa Aking Paglisan
February 08, 2024 |

  Sa aking paglisan Anak, sana’y iyong maunawaan Hindi kita tinalikuran Hindi kita kinalimutan Pag-iwan sayo’y hindi madali Sa bawat iyong paghikbi Labis ang aking pighati Ang mawala sayong tabi Nagpapaluha sa akin gabi-gabi. Subalit sa tuwing minamasdan kita Gumuguhit din sa aking gunita Larawan ng mga batang Ninakawan ng pagkabata. Sila’y tulad mo ring […]