Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Isulong ang digmang bayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya, labanan ang tahasang pangyuyurak ng imperyalismong US at China!
September 30, 2023

Sa pinalawak at pinatitinding presensyang militar ng dalawang nagtutunggaliang imperyalistang kapangyarihang US at China sa West Philippine Sea (WPS) at rehiyong Indo-Pacific, tahasan nitong niyuyurakan ang pambansang soberanya ng Pilipinas. Patuloy na naiipit ang bansa sa tensyon at ribalan nila. Bahag ang buntot ng rehimeng US-Marcos II sa nagpapatuloy at tumitinding pag-aagaw at pag-aangkin ng […]

Bakit pinag-aagawan ang South China Sea
September 30, 2023

Ang South China Sea (SCS) ang isa sa pinakamalahaga at estratehikong dagat lagusan (waterway) sa buong mundo. Taun-taon ay dumadaan dito ang $5.3 trilyong halaga ng mga kalakal mula sa sangkatlo ng mga barkong pangkalakal sa buong mundo. Kabilang dito ang $1 trilyong halagang papasok at palabas na kalakal ng US, at $1 trilyong halagang […]

Ipagtanggol ang West Philippine Sea
September 30, 2023

Magkakasunod na insidente ng pambobomba ng water cannon sa isang resupply mission sa Ayungin shoal, swarming o pagdumog ng mga sasakyang pandagat ng China, paglalagay ng floating barrier at ang pinakahuli ang ulat ng mga nawasak na bahura dulot ng tumitinding presensya ng China—ang tumambad na balita sa nagdaang huling dalawang buwan ng taon sa […]

Magkaisa para labanan ang pahirap na estado at lutasin ang kagutuman sa buong bayan!
September 30, 2023

“Ang taas na ng presyo ng bigas, sibuyas, asukal at gasolina ay hindi na kayang bilhin ng pang-araw-araw naming kita!” Ito ang daing ni Luz habang namimili sa palengke ng Puerto Princesa City nitong Agosto. Ang nakapagtataka ay iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Agosto na bumaba ang tantos ng implasyon ng probinsya mula […]

Ang kasaysayan ng pananalasa ng mga plantasyon ng oil palm sa kabuhayan at kalikasan ng Palawan
September 30, 2023

Malaking usapin ang oil palm saanman sa buong daigdig. Habang itinuturing itong mahalagang kalakal, marami ring mga grupong makakalikasan ang tutol sa pabaya at di planadong pagtatanim nito. Katunayan, mula 2009 hanggang 2011, isinuspindi ng World Bank ang lahat ng pondo para sa mga proyektong oil palm sa buong daigdig. Pero hindi nito napahinto ang […]