Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Bakit krimen sa digma ang pambobomba at panganganyon ng AFP sa mga komunidad?
September 30, 2023 |

Isa sa pinakabrutal na taktika ng kontrarebolusyong digma ng pasistang estado ang pambobomba gamit ang mga makabagong armas kagaya ng mga helikopter, eroplano, drone, howitzer, mortar at iba pa. Ginagamit ito ngayon ng reaksyunaryong Government of the Republic of the Philippines (GRP) bilang malakas at mapanupil na arsenal laban sa armadong pakikibaka ng mamamayan. Sang-ayon […]

Opensiba ng BHB sa Quezon at Mindoro, tagumpay!
September 30, 2023 |

Naglunsad ng mga taktikal na opensiba ang mga yunit ng BHB sa Quezon at Mindoro na nagresulta sa anim na patay at anim na sugatan sa AFP. Setyembre 1. Lima ang patay at apat ang sugatan sa ambus ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB Quezon sa 85th IBPA at CAFGU sa Sityo Pag-asa, […]

1 lider manggagawa, pinatay; 3 kabataan, dinukot
September 30, 2023 |

Mariing kinukundina ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang nagpapatuloy na paghahasik ng pasismo ng estado sa rehiyon. Pamamaslang. Noong Setyembre 29, bandang alas-4 ng hapon, pinagbabaril hanggang mapaslang ng mga elemento ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Jude Thaddeus Fernandez ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa kanyang bahay sa Binangonan, Rizal. Ayon […]

Ibasura ang Terror Law, biguin ang pasistang terror sa TK
September 30, 2023 |

Sa ika-51 taon ng komemorasyon ng Batas Militar, nag-protesta ang mamamayan ng Timog Katagalugan bitbit ang panawagan na “Biguin ang pasistang terror sa Timog Katagalugan! Ibasura ang Anti-Terror Law! Mamamayan, magkaisa para sa karapatan, kalayaan at kabuhayan!” Sa harap ng Korte Suprema, nanawagan ang delegasyon na itigil ang malawakang paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon […]

Mamamayan ng TK, nangalampag laban sa taas-presyo at importasyon
September 30, 2023 |

Sa pangunguna ng mga pamprobinsyang balangay at kasaping organisasyon ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan (BAYAN-TK), inilunsad ng iba’t ibang organisasyon sa rehiyon ang kampanyang “Kalampagan Kontra Taas-presyo at Importasyon”. Pagtutol ito sa sunud-sunod na taas presyo ng langis at bigas at sa patakarang importasyon ng rehimeng US-Marcos-Duterte. Nagsagawa ng iba’t ibang anyo ng protesta gaya […]