Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Buklurin ang buong bayan laban sa ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte
Nagdarahop ang bayan sa labis na kagutuman at kawalan ng trabaho sa gitna ng pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Pinalubha ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte ang krisis ng estadong malakolonyal at malapyudal kasabwat ang mga lokal na naghaharing uring panginoong maylupa, burgesya kumprador at burukrata kapitalista. Ang lumalawak na agwat ng mayayaman at mahihirap […]
Kalagayan ng magsasaka ng palay sa Mindoro
Kilala ang isla ng Mindoro bilang pinakaproduktibong prodyuser ng bigas sa Timog Katagalugan. Noong 2018, bago ang pandemya, lumikha ito ng higit 809,000 metriko toneladang (MT) bigas. Higit limang beses ito ng kinakailangang dami para pakainin ang mamamayang Mindoreño. Kahit sa antas ng mas mahinang produksyon habang at matapos ang pandemya, sobra-sobra pa rin ang […]
Ang pananabik ng masa sa BHB
Sa isang eryang matagal na naiwanan at muling binalikan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), nagulat ang mga masa nang may bumati, kumamay at magpakilalang mga Pulang hukbo sa kanila. Mababanaag na hindi sila makapaniwalang may mga kasama ulit sa kanilang lugar. Bagamat may kaunting pangamba, sinalubong ng masa ang mga kasama ng malalaking ngiti, mainit […]
Tugon ni Patnubay de Guia: Paano kinasangkapan at patuloy na ginagamit ng pamilyang Marcos at imperyalismong US ang sining at kultura para ipataw ang kanilang imbing paghahari? Paano ito lalabanan?
Ipinakita sa loob ng higit dalawang dekadang paghahari ni Ferdinand Marcos Sr. ang lubusang pagmanipula sa sining at kultura bilang kasangkapan ng naghaharing uri, laluna ng kanyang pamilya’t kroni at among imperyalistang US para makapaghari at manatili sa poder. Pilit isinubo ng diktador ang reaksyunaryong sining at kultura sa mamamayan sa panahong iyon upang ipinta […]
Ka Joma: anti-imperyalista at dakilang proletaryong internasyunalista
“Bilang komunista, ako’y isang proletaryong internasyunalista, isang interesado sa tagumpay ng sosyalismo laban sa imperyalismo, upang mahawan ang daan tungo sa komunismo. Kasabay nito, isa rin akong patriyotikong Pilipino–lumalaban para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong US at mga tuta nito. Ang pakikibaka ng mamamayang Pilipino ay hindi maaari at hindi dapat hiwalay […]