Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

 

Ipagtanggol ang mga tagapagtanggol. Binati ng mga demokratikong organisasyon at tagasuporta ang 10 tagapagtanggol ng karapatang-tao, taong simbahan at lider-masa sa Quezon City noong Enero 9 matapos ibasura ng korte ang kasong perjury na isinampa laban sa kanila ni Gen. Hermogenes Esperon.

Ipagtanggol ang karapatang mag-organisa. Nagpiket ang mga myembro ng Migrante at Kilusang Mayo Uno sa Department of Justice noong Enero 16 para igiit na gawan ng aksyon ng estado ang samutsaring pag-atake sa kanilang mga myembro. Naganap ang pagkilos ilang araw bago isapubliko ng International Labor Organization ang resulta ng imbestigasyon nito sa kalagayan ng mga manggagawa sa bansa.

Isang araw bago nito, nagtungo sa pambansang upisina ng DOLE sa Maynila ang mga manggagawa mula sa Southern Tagalog para ipanawagan ang karapatan sa pag-uunyon, nakabubuhay na sahod at regular na trabaho. Nagtungo sila sa Mendiola pagkatapos nito.

SIM Card Registration, ipinasususpinde. Nagpiket sa harap ng National Telecommunications Commission ang mga aktibista para sa digital rights sa ilalim ng Junk Sim Card Registration Network para ipanawagan ang pagsuspinde ng mapaniil at kontra-mamamayang pwersahang pagparehistro.

Hustisya para kay Ka Manny. Sinugod ng mga manggagawa at aktibista ang DoJ noong Enero 18 matapos ipawalang-sala nito ang kaso laban sa 17 pulis na pumatay kay Manuel Asuncion, koordineytor ng Bayan sa Cavite. Pinaslang si Ka Manny noong 2021, kasabay ng walo pa sa tinaguriang Bloody Sunday.

Mga protesta