Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Sibilyan, hindi BHB, ang pinatay ng 94th sa Negros
Kinukundena namin ang 94th Infantry Battalion sa sadyang pagpatay noong Lunes kay Jose Gonzales, 49 taong gulang, isang sibilyan na nakatira sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental. Sang-ayon sa balitang lokal, dinakip at habang tinututukan, pinaghukay ng mga sundalo ng 94th IB si Gonzales ng mga inilibing na sirang bahagi ng sandatang dinispatsa na […]
Pagtutol sa Charter change ni Marcos Jr., makabayan at demokratikong tungkulin ng mamamayan
Mula kay Ramos hanggang kay Marcos Jr. ngayon, walang puknat na tinatangka ng bawat rehimen na palitan at baguhin ang Konstitusyong 1987 para sa interes ng imperyalistang amo at kani-kaniyang ambisyong makapanatili sa kapangyarihan. Matagal nang hinahangad ng mga imperyalista at dayuhang kapitalista na lubusang buksan ang Pilipinas at bigyang-daan ang 100% dayuhang pagmamay-ari at […]
Binigo ng pakikibaka ng masang Bikolano ang Oplan Kapanatagan ng AFP-PNP!
Sa ikaapat na taon ng Oplan Kapanatagan, walang maipagmalaking makabuluhang tagumpay ang hanay ng 9th IDPA at PNP Region V sa Kabikulan. Sa halip na masindak ang masa dahil sa walang patumangga nilang militarisasyon, mga paglabag sa karapatang tao at iba pang mga krimen, lalo lamang naitulak ang mas maraming Bikolanong sumandig sa kanilang sariling […]
Imperyalistang pandarambong ang sanhi ng pagbaha: Itigil ang mapangwasak na pagmimina!
Pinagdudusahan ngayon ng mamamayang Pilipino ang walang pakundangang pangwawasak sa kalikasan ng mga ganid na dayuhan at lokal na kapitalista sa ngalan ng pagkakamal ng tubo. Sa nakaraang buwan, naganap ang matitinding pagbaha sa Mindanao at Timog Palawan matapos ang mga pag-ulan na dala ng shearline at amihan. Nasa higit 3,900 pamilya mula sa Brooke’s […]
Mga di pantay na kasunduan sa China, tutulan at labanan
Kaisa ng mamamayang Pilipino ang NDFP-ST sa pagtutol at paglaban sa mga kasunduang binuo nina Xi Jinping at Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagdalaw ng huli sa China noong Enero 3-5. Mayroong 14 na bilateral na kasunduang pinirmahan ang dalawa, pinakatampok ang kaugnay sa pagmimina ng langis sa West Philippine Sea (WPS). Samantala, hindi inilalantad […]