Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang Bayan January 7, 2023 Editorial Video
Download here: Pilipino | Bisaya
Humakbang nang malaki, kamtin ang matatayog na tagumpay
Lipos ng diwang rebolusyonaryo, ang Partido Komunista ng Pilipinas ay puno ng determinasyon na humakbang nang malaki pasulong at kamtin ang matatayog na tagumpay sa bagong taong 2023. Determinado ang Partido na ibayong konsolidahin at palakasin ang sarili at buong-tatag na pamunuan ang komprehensibong pag-abante ng demokratikong rebolusyong bayan sa buong bansa. Walang dalang pangako […]
Cha-cha at mga hakbanging neoliberal, iraratsada ngayong 2023
Desidido ang alipures ni Marcos sa Kongreso na iratsada ang “cha-cha” (charter change o pagbabago sa konstitusyon) sa ilalim ng kasalukuyang rehimen. Ayon sa pinuno ng komite sa pag-amyenda nito sa Mababang Kapulungan, maglulunsad sila ng mga “marathon hearing” (tuluy-tuloy na mga pagdinig) simula ngayong buwan para “pabilisin” ang pag-apruba sa walong panukala at resolusyon […]
Pamamaalam at pinakamataasna pagpupugay kay Ka Joma
Inatasan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 17, 2022 ang lahat ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan na magsagawa ng 21-gun salute bilang pamamaalam at pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Jose Maria Sison sa araw ng anibersaryo nito noong Disyembre 26, 2022. Namatay sa edad na 83 si Ka Joma, […]
68th IB, napalayas ng mga guro at magulang
Napalayas kamakailan ng Parents-Teachers Association o PTA ang mga sundalo ng 68th IB na nagkampo sa paligid ng Redhills National High School ng Calintaan, Occidental Mindoro. Nagpasa ng petisyon sa kapitan ng Barangay New Dagupan ang nagrereklamong mga guro at magulang upang patalsikin ang kampo-militar ng 68th IB malapit sa eskwelahan mula pa Hulyo 2022. […]