Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Masayang pag-uwi ni Baby Rhea
January 07, 2023

Lubos ang tuwa ng mga pamilyang Rebita nang mabawi nila si Baby Rhea, ang 3-buwang sanggol na ginawang hostage ng 402nd IBde para pasukuin ang kanyang mga magulang na parehong Pulang mandirigma. Ipinanganak si Baby Rhea noong Oktubre 12, 2022 at hindi pa ni minsan nakita ng mga kaanak nito. Ang pagbawi ng pamilya sa […]

Malawakang pagkakait sa serbisyong telekomunikasyon
January 07, 2023

Bago pa man ipatupad ang sapilitang pagpaparehistro ng mga SIM card, laganap na ang pangambang maietsapwera nito ang milyun-milyong gumagamit sa serbisyo sa kanayunan. Mula Disyembre 27 noong nakaraang taon, obligado nang iparehistro ang lahat ng bagong SIM. Nilaanan naman ng 180 araw ang pagpaparehistro sa mga lumang SIM bago putulan ang mga ito ng […]

Mapait na Pasko ng mga manggagawa sa Dolefil
January 07, 2023

Kilala sa mamahaling presko at de-latang mga produkto ng prutas ang tatak na Dole. Sangkap ito sa mga paboritong handa tuwing Pasko at mga espesyal na okasyon. Kumikita ang multinasyunal na kumpanyang ito ng bilyun-bilyong dolyar mula sa lokal na pamilihan at inieksport nitong preskong prutas taun-taon. Pero ang kita na ito ay mula sa […]

Atrasadong lokal na agrikultura ang salarin sa pagtaas ng presyo ng pagkain
January 05, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hindi pa hinihiwa ang sibuyas, mapaluluha ka na sa mahal ng presyo – iyan ang masakit na katotohanang binabalikat ngayon ng sambayanang Pilipino. Nitong mga nakaraang buwan hanggang kasalukuyan, pumapalo ng P600 hanggang P720 ang presyo ng isang kilo ng sibuyas sa mga lokal na merkado sa Bikol at buong Pilipinas. Hindi ito ang unang […]

Hinggil sa "paglilinis" ng DILG sa PNP
January 05, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

1. Ang atas ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng heneral at koronel ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang “courtesy resignation” ay bahagi pasistang pakana ni Marcos na ilagay ang pulisya at lahat nitong mga kurap at maruruming operasyon sa higit na kontrol sa pamamagitan ng pagtatanggal sa […]