Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Sundalong gwardya ng minahan, inambus sa Abra
November 07, 2022

Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang mga sundalo ng 24th IB sa Mount Basiwag, Barangay Gacab, Malibcong noong Oktubre 27. Dalawang tropa ang napatay habang isa ang nasugatan. Ang ambus ay pagpaparusa sa naturang yunit dahil sa pasistang atake sa mamamayan at pagsupil sa kanilang pagtutol sa malalawak na operasyon ng pagmimina sa Abra […]

Isnayp, operasyong haras ng BHB-Negros
November 07, 2022

Para patamaan ang pinakapusakal na yunit ng militar at pulis, magkakasunod na taktikal na opensiba ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla ng Negros sa nagdaang dalawang linggo. Pinaputukan ng BHB-Central Negros ang istasyon ng pulis sa Sityo Parkingan, Trinidad, Guihulngan City noong Nobyembre 1. Dalawang pulis ang naiulat na […]

Mga protesta
November 07, 2022

  Doktor, di pulis. Nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan noong Oktubre 23 laban sa pagtatalaga kay dating hepe ng pulis na si Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health (DOH). Tinawag nila itong tahasang militarisasyon sa serbisyong pangkalusugan. NCIP, buwagin! Tumungo sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Quezon City noong […]

Mga pakikibakang unyon, inilunsad
November 07, 2022

Naglunsad ng mga protesta at sama-samang pagkilos ang apat na unyon nitong nakaraang linggo para isulong ang kanilang karapatan sa kolektibong pakikipagtawaran at igiit ang makatarungang pagtaas sa sahod. Sa Quezon City, nagprotesta ang mga manggagawa ng restawran na Kowloon House sa oras ng kanilang pananghalian noong Nobyembre 3. Iginiit nila ang pagtalima ng kumpanya […]

Sa madaling salita
November 07, 2022