Isnayp, operasyong haras ng BHB-Negros

,

Para patamaan ang pinakapusakal na yunit ng militar at pulis, magkakasunod na taktikal na opensiba ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isla ng Negros sa nagdaang dalawang linggo.

Pinaputukan ng BHB-Central Negros ang istasyon ng pulis sa Sityo Parkingan, Trinidad, Guihulngan City noong Nobyembre 1. Dalawang pulis ang naiulat na nasugatan.

Sa araw ding iyon, inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang detatsment ng militar sa Barangay Budlasan, Canlaon City. Inisnayp din ng BHB ang naturang detatsment noong Oktubre 30. Isang sundalo ang napatay at isa ang nasugatan sa mga opensiba.

Samantala, limang sundalo ng 62nd IB ang napatay sa engkwentro nito sa BHB-Central Negros sa Sityo Ilijan Gamay, Barangay Planas, Guihulngan City noong Oktubre 29, alas-3 ng hapon. Nasundan ito ng isa pang engkwentro sa Sityo Ilijan, Barangay Buenavista, alas-9 ng gabi kung saan napaslang si Michael Asuncion (Ka Reymund), Pulang mandirigma ng yunit.

Noong Oktubre 20, naglunsad ng operasyong haras ang BHB-Southwest Negros laban sa detatsment ng militar sa Pinggot, Ilog, Negros Occidental. Ayon sa mga yunit ng BHB, tugon ang naturang mga armadong aksyon sa nagpapatuloy na paglabag ng AFP at PNP sa karapatang-tao ng mamamayan sa isla.

Isnayp, operasyong haras ng BHB-Negros