Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

 

Doktor, di pulis. Nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan noong Oktubre 23 laban sa pagtatalaga kay dating hepe ng pulis na si Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health (DOH). Tinawag nila itong tahasang militarisasyon sa serbisyong pangkalusugan.

NCIP, buwagin! Tumungo sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Quezon City noong Oktubre 29 ang iba’t ibang grupo ng pambansang minorya kasabay ng ika-25 taon ng pagsasabatas ng Indigenous Peoples’ Rights Act. Panawagan nilang buwagin na ang ahensya na ginagamit ng militar at malalaking kumpanya para dahasin at palayasin sila sa kanilang mga lupang ninuno.

Black Friday sa FEU. Nagsuot ng itim na damit bilang protesta ang mga estudyante ng Far Eastern University noong Nobyembre 4. Ito ay para igiit ang kalayaang pang-akademiko at tutulan ang napipintong pagsipa ng unibersidad sa tatlong estudyante na lumahok sa aktibidad na paggunita sa lagim ng batas militar noong Setyembre 21.

Pakikiisa sa pakikibakang Palestino. Nakiisa ang mga Pilipino sa Canada sa internasyunal na kampanya para sa pagbabalik ng mga Palestino at paglaya ng Palestine noong Oktubre 29. Nagprotesta sila sa Vancouver, kasama ng mga grupong Palestino at kanilang mga tagasuporta.

Mga protesta