Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pagkamatay ng lider ng PKP sa FSMR, ipinagluluksa
Lubos na ikinalungkot ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagpanaw ni Emmanuel Fernandez (Ka Ampog/Akuy/Brad), myembro ng Komite Sentral at isa sa mga rebolusyonaryong lider sa Far South Mindanao. Namatay noong Oktubre 30 si Ka Ampog sa sakit na matagal na niyang iniinda. Dinala ng mga medik ang kanyang mga labi sa isang kubo […]
Protesta, bungkalan at pagkakaisa sa Buwan ng Magsasaka
Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga grupong magsasaka para gunitain ang Buwan ng Magsasaka noong Oktubre. Nakiisa sila sa ika-14 na International Day of Rural Women (Pandaidigang Araw ng Kababaihan sa Kanayunan) noong Oktubre 15 at ika-43 na World Food Day (Araw ng Pagkain) noong Oktubre 17 na binabansagan ding “World Hunger Day” (Pandaigdigang […]
Mabagsik na paghaharing militar sa Negros
Magkakasunod na insidente ng panganganyon, iligal na paghahalughog at paghihimpil sa sentro ng barangay ang ilan sa malalang paglabag sa karapatang-tao na ginawa ng militar sa Negros nitong nagdaang mga linggo. Himamaylan City. Nanghalughog at nanindak ng mga residente ang mga elemento ng 94th IB sa mga bahay sa anim na sityo ng Barangay Buenavista. […]
Lider-manggagawa, inaresto sa Quezon City
Dinakip at ikinulong ng pulis sa gawa-gawang kaso si Benjamin Cordero, pinuno ng Labor Sector ng Quezon City Development Council, myembro ng Samahan ng Manggagawa sa Quezon City at upisyal sa kampanya ng Urban Poor Coordinator Council ng National Capital Region, noong Oktubre 25 nang alas-11:40 ng gabi sa kanyang tirahan sa Quezon City. Sinampahan […]
Sumisidhi ang militarisasyon sa South Quezon-Bondoc Peninsula
Walang patid na ligalig at karahasang militar ang halos araw-araw na bumabagabag sa masang maglulukad ng niyog sa mga bayan sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Quezon. Biktima sila ng iba’t ibang tipo ng paglabag sa karapatang-tao sa tabing ng “gera laban sa terorismo.” Todo-largang pinakawalan ng 85th IB, 59th IB, 201st IBde, 2nd […]