Lider-manggagawa, inaresto sa Quezon City

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Dinakip at ikinulong ng pulis sa gawa-gawang kaso si Benjamin Cordero, pinuno ng Labor Sector ng Quezon City Development Council, myembro ng Samahan ng Manggagawa sa Quezon City at upisyal sa kampanya ng Urban Poor Coordinator Council ng National Capital Region, noong Oktubre 25 nang alas-11:40 ng gabi sa kanyang tirahan sa Quezon City. Sinampahan siya ng gawa-gawang kasong bigong pagpatay sa Batasan Police Station 6. Pansamantalang nakalaya si Cordero noong Oktubre 27 matapos magpyansa.

Liban kay Cordero, pinangalanan din sa mandamyentong inihain sa kanya sina Dabilo Basilio at Amor Reyes Acayen, na parehong mula sa tribong Dumagat. Namatay sa sakit si Amor Acayen noon pang Agosto. Kilala siyang lider ng mga Dumagat o elder mula sa Sityo Kanlusong, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal.

Panganganyon. Tatlong beses na nagpasabog ng kanyon ang 203rd Bde sa Mansalay, Oriental Mindoro noong Oktubre 18. Pinasabog ito malapit sa mga barangay ng Waygan at Sta. Teresita na nagdulot ng takot at pagkaaligaga sa mga residente. Liban dito, naghihimpil pa ang mga sundalo sa barangay hall ng Waygan at nagsabing magkakampo doon ng higit anim na buwan.

Panggigipit. Sapilitang pinasok at niransak ng mga sundalo ng Philippine Army ang bahay ng magsasakang si Kiling Turing sa Sityo Pandayan, Barangay Tan-awan, Placer, Masbate noong Oktubre 19. Ninakaw ng mga sundalo ang anim na sako ng palay na inani ni Turing at dinala sa kanilang kampo. Pinalalabas ng militar na suplay umano ng hukbong bayan ang mga palay kaya ito sinamsam. Ninakawan din ng palay ang siyam pang magsasaka sa naturang lugar.

Lider-manggagawa, inaresto sa Quezon City