2nd IBPA naghahabol ng accomplishments at lumilikha ng senaryo ng gulo sa paglulunsad ng mga pekeng labanan

Panibagong pakanang engkwentro na naman ang pinalalabas ng 2nd Infantry Battalion Phil. Army sa hangganan ng Barangay Villahermosa, Cawayan at Barangay Tan-awan, Placer nitong Setyembre 18, alas-6 ng umaga. Upang gawing makatotohanan, tulad ng nakagawian ay may mga pinakita silang mga nasamsam na kagamitang militar tulad ng isang M16 armalayt, tatlong magasin, backpack, selpon at iba pa. Umabot pa sa Barangay Calapayan sa bayan ng Cawayan ang paghabol ng militar sa mga umano’y umaatras na kasapi ng NPA na kanilang nakasagupa.

Sa halip, muntikan nang magkaroon ng misencounter sa pagitan ng militar matapos sumaklolo ang kanilang tropang nakabase sa Barangay Miabas, Palanas na walang alam sa pakanang drama ng kanilang mga kasamahang mula sa kampo ng Paguihaman, Uson.

Nagbunsod ng pagkansela sa klase sa mga paaralan ng Villahermosa at Tan-awan ang naturang aksyong drama ng militar. Hindi isinasaalang-alang ng militar ang kaligtasan ng mga sibilyan laluna ng mga kabataan sa halos isang minutong pagpapaputok na wala namang target.

Nakakahiya sa publikong malaman na upang may ipangalandakang accomplishments ay tanging mga pekeng engkwentro lamang ang kayang magagawa ng mga militar, pulis at CAFGU.

Lumilikha ng senaryo ng kaguluhan ang militar para bigyang rason ang pagdeklara sa Masbate bilang election hotspot. Masahol, tanging mga ordinaryong magsasaka o masa ang nabibiktima sa kanilang mga pakana. Napeperwisyo ang matiwasay na mga komunidad at paghahanapbuhay ng mga tao sa mga lugar na may presensya ng militar.

Patuloy naman na nagpapaalala ang Jose Rapsing Command – NPA Masbate sa masang Masbatenyo na palaging maging alerto sa mga pakana ng militar na madalas pumapaslang ng mga sibilyan upang gawing makatotohanan ang kanilang mga seryeng aksyong drama. Umaabot na sa 21 ang walang awang pinaslang na mga magsasaka ng militar, pulis at CAFGU sa ngalan ng kanilang accomplishments laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Masbate. Sa kabila ito ng kanilang makailang ulit ng pagpapalabas na free-insurgency o wala ng NPA sa prubinsya.

Higit sa lahat, kailangan patuloy na pahigpitin ng masang Masbatenyo ang kanilang pagsuporta sa armadong pakikibaka sa prubinsya. Tanging sa armadong paglaban lamang magkakaroon ng katiyakang mapangalagaan ang kaligtasan, buhay at kabuhayan ng mamamayan.#

2nd IBPA naghahabol ng accomplishments at lumilikha ng senaryo ng gulo sa paglulunsad ng mga pekeng labanan