Pahayag

80th IB, maton ng Rizal

Mariing kinukundena ng NAAC-NPA-Rizal ang nagpapatuloy na kaso ng physical assault ng 80th IB sa mga Rizaleño. Mula Hulyo, isa na namang kaso nito ang isinagawa ng elementong si Marvin Stamo nang kulatahin ang isang residente ng Sityo San Joseph, Barangay San Jose, Antipolo. Matatandaang noong Hunyo 29 lamang ay sinuntok ni Stamo ang isa ring residente ng Barangay San Jose.

Habang nagyayabang ang 80th IB at nagpoposturang makamamamayan sa kanilang mapanlinlang na mga programa tulad ng MALAYA KA, mga medical mission, mga seminar, ay asal-maton naman ito sa sa karahasan, panggigipit at pananakot na ipinapamalas sa nakararami pang Rizaleño. Ipinipinta nilang demonyo ang NPA na ilang dekada nang naglilingkod sa mamamayan ng Rizal, habang sinusubukan nilang ilingid ang mahabang listahan ng krimen at paghahari-harian sa lalawigan na mapapatunayan ng mga biktimang residente nito.

Dapat kundenahin ng mamamayan mga ganitong kaso ng physical assault at iba pang paglabag ng 80th IB sa karapatang-tao. Patunay lamang ito sa lumalaking pangangailangan na palayasin ang 80th IB sa Rizal upang magsimulang makaalpas ang mamamayan sa teror na nakalukob sa kanila, sa kamay ng 80th IB. Ilantad ang tunay na halimaw at berdugo sa likod ng mapagkawanggawang larawang gustong itanghal ng 80th IB.

Ang ganitong karahasan ng estado ay ibinubunsod ng umiigting na tunggalian sa pagitan ng karaniwang mamamayan at naghaharing uring nagsasamantala at nang-aapi sa kanila. Habang marahas na pinoprotektahan ng 80th IB ang interes ng mga naghaharing uring nandarambong sa lupain at rekurso ng Rizal, ipagtatanggol naman ng NAAC ang interes ng mamamayan sa paraan ng armadong pakikibaka. Lagi’t lagi, katuwang ito ng mamamayan sa pagsusulong ng kanilang mga mithiin at pagtatamasa ng kanilang mga karapatan.

80th IB, maton ng Rizal