Pahayag

Aktibong depensa ng isang yunit ng BHB-West Camarines Sur

Buong giting na hinarap ng mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) ang tangkang pag-atake ng pasistang militar ng 81st IBPA noong Pebrero 23, 2025, alas-5:30 ng hapon na saklaw ng Barangay Baya, Ragay, Camarines Sur.

Matapos ang naganap na labanan, kagyat na nagkasa ng lakas-batalyon na operasyon ang mga militar ng 81st IB at 16th IB sa kagubatan ng Ragay at Lupi ng Camarines Sur at Labo ng Camarines Norte.

Kinabukasan Pebrero 24 ay muling naengkwentro ng mga Pulang mandirigma ang isang pormasyon ng kaaway pero mahusay nitong hinarap ang mga pasista at ligtas na nakamaniobra palayo sa mga kolum ng kaaway.

Ilang oras matapos ang pangalawang labanan ay nagpalipad ng dalawang helikopter ang militar at walang habas na nagsagawa istraping sa mga kabundukan ng Barangay Baya di kalayuan sa mga pag-aaring kabuhayan ng mamamayan.

Ang dalawang magkasunod na labanan ay nagresulta ng nasa 11 patay sa hanay ng mga pasista liban sa ulat ng masa na dalawa pang nawawala at 7 na sugatan.

Samantala, pinakamataas na parangal ang ibinibigay ng Norben Gruta Command at buong rebolusyonaryong kilusan kay Angelo “Ka Kim” Sandiego na buong tapang na hinarap ang pinakamataas na sakripisyo ng paglilingkod sa bayan.

At bilang paglilinaw, ang Bagong Hukbong Bayan na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ay mahigpit na tumatangan sa internasyunal na makataong abtas at mga batas ng digma. Kaugnay nito, ang mga bomba na ginagamit ng BHB sa mga labanan at taktikal na opensiba ay mga command detonated explosives (CDX), isang klase ng pangpasabog na ikinukumand ng tao na kung saan sasabog lamang ito kapag may siguradong target.

Ang pagpigil ng militar sa mamamayan sa mga baryo malapit sa pinaglabanan na umahon sa kanilang mga bundok para maghanapbuhay, saywar at pananakot o mental torture ay tahasang paglabag mga nakasaad sa Geneva Convetion, na walang sinumang sibilyang populasyon ang maaaring gipitin o idamay sa mga nagaganap na labanan o digmaang sibil sa loob ng isang bansa.

Ang Geneva Convention ay isang batas na pinirmahan ng maraming bansa sa buong daigdig matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig upang bigyang proteksyon ang karapatan at kaligtasan ng mga sibilyang populasyon sa loob ng isang bansa na kaugnay ng gera. Ito ay pinagtibay ng naraming mga bansa matapos ang ikalawang digmaan pandaigdig upang protektahan ang karapatan at kabuhayan ng mamamayan.

Aktibong depensa ng isang yunit ng BHB-West Camarines Sur