Ang Bomb threat sa Mercedes ay Hindi Gawain ng NPA
Mariing pinabubulaanan ng Armando Catapia Command (ACC)-New People’s Army Camarines Norte ang kumakalat sa social media na mga post at liham na umano’y mula sa NPA na nagbababala ng pagpapasabog sa ilang eskwelahan sa bayan ng Mercedes kapalit ng pera, ilang kagamitan, at serbisyong medikal na nagdulot ng takot at pagsuspinde ng mga klase.
Taliwas sa nilalaman ng kumakalat na mga pekeng liham, hindi gawain ng NPA ang magpasabog ng pampublikong pasilidad gaya ng mga paaralan na magpasasapanganib sa mga sibilyan. Bilang tunay na hukbo ng mamamayang inaapi’t pinagsasamantalahan, mahigpit ang pagpapahalaga ng NPA sa interes at kapakanan ng mga sibilyan at pagtalima nito sa internasyunal na batas ng digma at karapatang tao.
Ang pagpapakalat ng disimpormasyon at mga pekeng balita sa ngalan ng NPA ay para ipinta na “terorista” ang rebolusyunaryong hukbo ng mamamayan. Bahagi lamang ito ng kagustuhan ng rehimeng US-Marcos Jr. na maghasik ng teror upang magpailalim ang mga sibilyan sa kontrol ng pasistang tropa nito.
Dapat maging mapagmatiyag ang mamamayang Pilipino sa anumang porma ng dismpormasyon na naglalayong siraan ang rebolusyunaryong kilusan sa panahong patuloy ang pagkabulok ng rehimeng US Marcos Jr at ng kapareho nyang mandarambong na si VP Sara Duterte.
Ang pasistang rehimen ang may dapat na katakutan sa napipintong pagsabog anumang oras ng galit ng mamamayan na sukang-suka na sa korapsyon ng gobyernong bulok. Nagbabalak ang sambayanan sa malakihang kilos protesta sa darating na linggo laban kay Marcos at Duterte, at hindi ito fake news.