Isnayp inilunsad ng BHB laban sa armadong grupo ni Brgy. Captain Adriel Boyet Besana at CAFGU

Matagumpay na ilinunsad ng mga pulang mandirigma ng JRC-BHB Masbate ang aksyong isnayp laban sa armadong grupo ni Brgy. Capt. Adriel Boyet Besana at sa mga myembro ng Cafgu sa So. Baldosa, Brgy. Cabungahan, Cawayan noong Agosto 18, 2022 alas 6 ng umaga. Nagtamo ng ng 2 patay at 3 sugatan ang kaaway.

Ayon sa ulat ng tim ng BHB na ikinasa sa aksyon matapos nilang patamaan si Brgy. Captain Besana at makitangmay dalawang bumagsak namutok naman ang pasistang tropa ng 2nd IBPA na nooy nakapakat na sa mataas na bahagi ng lugar na linunsaran ng aksyon. Naobliga ang tim na makipagpalitan na ng putok hanggang sa ligtas nan aka atras dahil dito nadagdagan ang natamong kaswalti ng kaaway.

Nakilala ang napatay na si Vince Valle na dating myembro ng NPA at isa pang Cafgu na si Junjun Dublin habang Malala naman ang nagging tam ani Brgy. Captain Besana na agad naming dinala sa ospital ng Legazpi City, samantala ang dalawang iba pang sugatan ay dinala naman sa pagamutan ng Masbate City.

Una na nang nagsagawa ng aksyong isnayp ang BHB sa aramadong grupo ni Besana noong Hulyo 31, 2022 alas 11:30 ng umaga sa So. Calmad, Brgy. Madbad, Cawayan na ikinasugat din ng Kapitan na nagpagamot sa lungsod ng Cebu. Ang naturang magkasunod na aksyon laban sa grupo ni Besana ay pagtugon sa kahingian ng masang magsasaka sa bayan ng Cawayan na bigyang hustisya ang ginawang pang-aagaw ng kanilang lupang sakahan at sapilitang pagpapalayas sa kanila kasabay ng SONA ni Marcos Jr noong Hulyo 25. Kasama ang armadong grupo ni Brgy. Capt. Besana ng pasistang tropa ng AFP, PNP at Cafgu na sapilitang pinapalayas ang mga magsasaka sa Brgy. Cabungahan at Calapayan, Cawayan.

Matagal na ring target ng rebolusyonaryong kilusan si Besana matapos makipagtulungan at maging tuta ng AFP, PNP at Cafgu upang palayasin at muling kamkamin ang lupang sakahan ng mga magsasaka sa Brgy. Panan-awan, Cawayan noong Mayo 2019. Mula noon tuloy-tuloy na ang pakikipagtulungan at pagpapakatuta ni Besana sa AFP, PNP at Cafgu naging mahusay siyang tagapagpatupad sa E.O. 70 at NTF-ELCAC bilang pinuno ng barangay at sa sapilitang pagpapasuko sa mga sibilyan gamit ang programang E-Clip ng reaksyunaryong gobyerno.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mga kasamahan ni Brgy. Capt. Besana at sa mga myembro ng Cafgu na hanggat maaga pa at itigil na ang pagpapakatuta kay Besana at sa AFP at PNP tulad ng nangyaring paghatol ng pinakamataas na parusa kay Besana sa hukumang bayan. Hindi rin makaliligtas sa tiyak na kaparusahan ang sinumang patuloy na magiging kasangkapan sa pangangamkam ng lupaing agricultural para sa proyektong eko-turismo, mina at pagrarantso sa probinsya.

Handa ang JRC-BHB Masbate na bigyan ng pagkakataon ang sinumang nagnanais na kumawala na sa pagpapakatuta sa AFP at PNP upang magbagong landas at suportahan ang laban ng kapwa anakpawis.#####

Isnayp inilunsad ng BHB laban sa armadong grupo ni Brgy. Captain Adriel Boyet Besana at CAFGU