Pahayag

Kabataang Lagunense, matuto sa dakilang buhay at pakikibaka ni Ka Ilaya! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Pinakamataas na pagpupugay ang ginagawad ng mga rebolusyonaryong kabataang Lagunense kay Alyssa “Ka Ilaya” Lemoncito, martir ng Timog Katagalugan at bayani ng sambayanan. Sa ikalawang anibersaryo ng kanyang pagkamartir, hamon sa lahat ng Lagunense na matuto sa dakilang aral ng kanyang buhay at isabuhay ang rebolusyonaryong diwa ng kabataan.

Tunay na anak ng bayan si Ka Ilaya. Tinanganan niya ang landas ng armadong pakikibaka upang maging tagapagtanggol ng masang inaapi sa kanayunan. Namartir siya kasama ang lima pang Pulang mandirigma ng BHB-Batangas at dalawang sibilyan sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas noong Disyembre 17, 2023.

Magiting at matapat na rebolusyonaryo si Ka Ilaya. Tumugon siya noong 2021 sa hamon ng Partido Komunista ng Pilipinas na paigtingin ang armadong pakikibaka sa buong bansa. Bilang kasapi ng BHB, buong-puso at walang pag-iimbot na ginampanan niya ang kanyang mga rebolusyonaryong tungkulin. Tumugon siya sa panawagan ng mga magtutubo ng Hacienda Roxas matapos isara ang Central Azucarera de Don Pedro noong 2022. Sa kabila ng tumitinding malapyudal na krisis sa Batangas, naging katuwang ng masang anakpawis si Ka Ilaya at ang Pulang hukbo para makamit ang kanilang mga pambansa at demokratikong kahingian.

Bagama’t mula sa mababang petiburgesya si Ka Ilaya, agad siyang namulat sa kawastuhan at pangangailangan ng demokratikong rebolusyon ng bayan. 2019 nang una siyang namulat sa kabulukan ng reaksyunaryong sistema bunsod ng maruming halalan. Dumagdag pasanin pa rito ang palpak na tugon ng rehimeng US-Duterte sa pandemyang Covid-19, na nagpalala sa kapwa krisis sosyo-ekonomiko at edukasyon sa bansa.

Bilang estudyante, naranasan mismo ni Ka Ilaya ang epekto ng neoliberal na edukasyon. Naranasan din ng pamilya niya ang krisis ng kawalan ng trabaho at mababang pasahod. Ito ang mga nagtulak sa kanya na mamulat at kumilos para baguhin ang lipunang Pilipino.

Taong 2021 nang naging kasapi ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan si Ka Ilaya. Ginampanan niya ang mga tungkulin sa gawaing propaganda, eduksayon, at pag-oorganisa sa hanay ng kababaihan sa Laguna. Dito niya nakita na makakamit lamang ang tunay na pagbabago ng lipunan sa pamamagitan ng rebolusyonaryong landas ng digmang bayan.

Bagama’t relatibong maiksi lamang ang panahon ang naibigay ni Ka Ilaya sa paglilingkod sa sambayanan, hindi nito binabawasan ang bigat ng kanyang dakilang ambag. Hindi makakalimutan ng mamamayang Lagunense ang sakripisyo at pasya ni Ka Ilaya na tahakin ang landas ng ganap na paglaya ng sambayanan. Tulad ng mga naunang dakilang bayani, pinanghawakan ni Ka Ilaya ang makauring hangarin na palayain ang bayan mula sa tatlong salot ng imperyalismo, pyudalismo, at bururkrata kapitalismo.

Hamon para sa lahat ng kabataang Lagunense na panghawakan ang parehong landas na binagtas ni Ka Ilaya at tumangan ng armas bilang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan. Nananatili ang BHB bilang bukod-tanging hukbo ng masang anakpawis at tagapagtanggol ng interes nila. Naglulunsad ang BHB ng armadong pakikibaka kasabay ng pagsulong ng rebolusyong agraryo at pagpapalakas ng Pulang kapangyarihan sa kanayunan. Lumalahok ito sa gawaing edukasyon, propaganda, at produksyon habang matapang na naglulunsad ng mga operasyong militar upang gapiin ang mersernaryong hukbo ng AFP.

Sa kasalukuyan, tumitindi ang krisis panlipunan bugso ng malawakang korapsyon ating bayan kasabay ng matagal ng krisis sa neoliberal na edukasyon. Kailangang mamulat ang kilusang kabataan estudyante na tanging sa demokratikong rebolusyong bayan lamang makaamit ang ganap na pambansang paglaya ng lipunang Pilipino. Dapat natin ilapat ang teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo sa kongkretong praktika ng rebolusyong Pilipino. Dapat natin igpawan ang mga maling tendensya ng kabataan na ikinintal sa atin ng burges at reaksyunaryong kultura, tulad ng suhetibismo, indibidwalismo, petiburges na kapusukan, at liberalismo.

Nananatiing buhay ang diwa’t ala-ala ni Ka Ilaya at ng lahat ng rebolusyonaryong martir hangga’t nagpapatuloy ang rebolusyonaryong hanay ng kabataan sa pagsulong ng digmang bayan.

Mabuhay ang patuloy na paglaban ng sambayanang Pilipino! Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan at ang Paritdo Komunista ng Pilipinas. Isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay!

Kabataang Lagunense, matuto sa dakilang buhay at pakikibaka ni Ka Ilaya! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!