Pahayag

Lutasin ang ugat ng krisis ng korapsyon, isulong ang pambasa demokratikong rebolusyon!

,

Bilang paggunita sa ika-61 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan, nagsagawa ng Oplan Pinta ang mga myembro ng Kabataang Makabayan-DATAKO (KMD) kasama ang Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS) sa lungsod ng Baguio bitbit ang mga panawagang rebolusyon bilang tugon sa krisis ng korapsyon at paghamon sa taumbayan na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.

Ika-30 ng Nobyembre ng taong 1964, itinatag sa pangunguna ni Prof. Jose Maria Sison ang Kabataang Makabayan—isang pangmasang organisasyon ng mga kabataan na tinutulan ang katiwalian ng administrasyong US-Marcos Sr. Mula sa pagkakatatag, nagtuluy-tuloy ang pagkilos ng kabataan hanggang pagpasok ng batas militar kung saan kinitil ang karapatan ng mamamayan upang maoorganisa. Hindi nagpatinag at nagpatuloy ang KM sa pag-oorganisa ng mga kabataan upang wakasan ang diktaduryang dulot ni Marcos Sr.

Dahil rito, madaming kabataan ang pinili ang pinakamataas na porma ng paglaban para sa tunay na kapayapaan—ang pagsampa sa Bagong Hukbong Bayan.

Ang karahasan ng estado walang sinalba—pati ang mga bundok ng Kordilyera ay naranasan ito. Mula rito, maraming anak ng Kordilyera ay piniling sumapi sa Bagong Hukbong Bayan, ilan dito ay sina Leonardo “Ka Nardo” Pacsi, Jennifer “Ka Maria” Cariño, at Wright “Ka Chadi” Molintas Jr.

Nakita ng mga kasama ng mga magigiting na hukbo na dapat lang na mag-organisa din ang mga kabataang katutubo sa Kordilyera. Buhat ng patuloy na pang-aapi sa mga katutubong Kordilyera, nabuo ang Demokratiko a Tignayan dagiti Agtutubo ti Kordilyera o ang DATAKO noong taong 1983. Kalaunan ay pinagbuklod ang dalawang organisasyon sa taong 1988.

Nandito sa ating isinusulong na rebolusyon ang diwa ng Kabataang Makabayan-DATAKO. Sa ating paghangad ng pambansang demokrasya, sa pagkilos hindi lang para sa paglaya ng Pilipinas kung hindi pati na rin sa buong mundo—dito nakikita ang kagitingan at pagiging makabayan ng kabataan. Sa ating pagtangan ng landas patungo sa sosyalismo, madami at masalimuot ang mga problemang kinakaharap ng lipunan. Sa kasalukuyang panahon, isa sa pinakamatunog na isyu ang burukrata kapitalismo, na kinakatawan ng korapsyon sa burges na estado.

Patuloy na lumalawak ang kilusang anti-korapsyon na binubuo ng kabataang-estudyante, kasama ang mga manggagawa, magsasaka, maralita, kababaihan, pambansang minorya, at iba pang demokratiko at aping sektor at uri ng lipunan. Ang sama-samang pagkilos ng sambayanan ay malinaw na pagkamuhi sa bulok na sistema ng bulok na pamamalakad ng estado.

Mula rito, umiigting ang panawagan na patalsikin ang tambalang Marcos-Duterte at itatag ang national transition council para isulong ang ang mga kinakailangang reporma sa sistema ng politika ng reaksyonaryong bansa.

Bagamat, sekondaryo ang parliamentaryong pakikiba dito sa urban dapat mapatimo sa taumbayan na ang tanging sulosyon sa krisis ng korapsyon ay sa pamamagitan ng paggamit sa pinakamataas na porma ng pakikibaka—ang tumangan ng armas. Ang krisis na dinudulot ng bulok na naghaharing sistema ay siyang nagtuturo sa sambayanan na mag-armas. Layunin ng demokratikong rebolusyong bayan na lutasin ang ugat ng masidhing korapsyon na dulot ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo. Tanging sa pagpapabagsak sa inaagnas na sistema at sa pagtatag ng isang sistemang magsisilbi sa tunay na interes ng masang anakpawis natin mapapawi ang malubhang korapsyon ng bansa.

Hinahamon ng KM-DATAKO at ng ARMAS ang taumbayan na itaas ang antas ng pakikibaka, tumungo sa kanayunan at makilahok sa digmang bayan. Mangahas na makibaka bitbit ang mga teorya at praktika na turo ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at ng mga martir ng Kordilyera at ng sambayan. Gamitin din itong gabay at inspirasyon sa pag-organisa, pagmobilisa, pagpapalakas sa ating hanay, at pagpapalakas sa ating rebolusyonaryong pwersa, ang Bagong Hukbong Bayan.

Kabataan at artista ng bayan, hinog na ang kondisyon para magrebolusyon! Tumungo tayo sa kanayunan at lumahok sa digmang bayan! Sama-sama nating isulong Demokratiko Rebolusyong Bayan hanggang sa tagumpay!

Lutasin ang ugat ng krisis ng korapsyon, isulong ang pambasa demokratikong rebolusyon!