Mag-opensibang postura ngayong Pasko! Biguin ang pananalakay ng AFP-PNP!
Inaatasan ang lahat ng yunit sa ilalim ng Melito Glor Command na magtaas ng alerto at maghandang mag-opensiba ngayong panahon ng kapaskuhan upang salagin ang walang patid na pang-aatake ng AFP-PNP sa mga yunit ng NPA at sa masang mamamayan. Ito ay bilang pagtalima sa deklarasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 17 na walang ceasefire sa gitna ng pagpapataw ng rehimeng US-Marcos II ng di-deklaradong batas militar.
Wasto ang deklarasyon ng PKP upang hindi sagkaan ang paglaban ng mamamayan at pagtatanggol sa kanilang sarili. Ilang ulit nang pinatunayan sa kasaysayan na sa paglaban lamang makakapagpalakas ang NPA at ang nakikibakang mamamayan. Kung saan kakayanin, mainam na maglunsad ang mga yunit ng NPA ng taktikal na opensiba kabilang ang mga anihilatibo o atritibong aksyong militar kontra sa AFP-PNP at mga hakbang pamamarusa sa mga kaaway sa uri. Dapat ding panagutin ang mga sagadsaring kaaway ng rebolusyon at nagpapahamak sa mamamayan.
Dito sa rehiyon, ilang insidente na ng engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga yunit ng NPA at pasistang tropa ng AFP. Nangyari ito sa Batangas, Quezon at dalawang beses sa Oriental Mindoro. Walang ibang dahilan sa likod nito kundi ang pagkahayok ng rehimeng US-Marcos II na tupdin ang deadline nitong ubusin ang mga rebolusyonaryong pwersa ng NPA. Nais din nilang hadlangan ang mga pagdiriwang ng masa sa paparating na ika-56 anibersaryo ng PKP sa Disyembre 26.
Sinundan ang mga labanan ng matitinding pang-aatake sa mga sibilyan. Binalingan ng mga pasista ang mga komunidad sa kanilang kabiguan na kamtin ang kanilang layunin. Nagpapatupad ito ng mga blokeyo sa pagkain, pagbabanta at panggigipit sa mga sibilyan at overdeployment ng mga armadong tropa sa mga sityo tulad sa Oriental Mindoro kung saan sunud-sunod na sityo sa mga Barangay ng Lisap, Bongabong at San Vicente, Roxas. Nagdudulot ito ng abala at pangamba sa mamamayan. Napaka-walang puso at militarista ng rehimen na hindi man lang tumigil sa pag-ooperasyon upang bigyang puwang ang pagdiriwang ng mamamayan ng Pasko. Palibhasa mga halang ang kaluluwa ng mga heneral na pagkaitan din ng selebrasyon ng Pasko sa piling ng mga kamag-anak ang kanilang mga tropa. Tiyak nagngingitngit din ngayon sa panghihinayang ang mga karaniwang kawal ng AFP.
Nangangarap nang gising ang mga utak-pulburang pasista sa pag-aakalang kaya nilang wakasan ang armadong rebolusyon sa taong ito o kailanman. Malinaw sa mamamayan ang batayan atpagiging wasto ng paglaban ng NPA. Hanggat inaapi at pinahihirapan ng bulok na estado ang masang Pilipino, lagi’t laging may hahawak ng armas at lalaban.