Magsasaka ng Timog Katagalugan lumaba’t isulong ang rebolusyong agraryo para sa digmang bayan

,

Matapang na nilalabanan hanggang kasalukuyan ng mga magsasaka sa Hacienda Roxas, Nasugbu, Batangas at ng mga residente ng Lupang Tartaria, Silang, Cavite ang pangangamkam sa kanilang mga lupain. Sa Hacienda Roxas, kumikilos ang mamamayan upang biguin ang muling pang-aagaw ng Roxas & Company Inc. (RCI) sa lupang matagumpay na napasakamay ng mga magsasaka bunsod ng matagal nilang pakikibaka mula pa dekada 1980. Naipanalo ng mga magsasaka na ipamahagi sa kanila ang lupa at nagkamit pa sila ng CLOA bilang ligal na garantiya. Ngunit matapos ang mga maniobra sa korte, kakutsaba ang Department of Agrarian Reform o DAR at pambabaluktot sa batas ng RCI, higit 1,300 ektaryang lupain ang iniutos ng DAR na “ibalik” sa kumpanya nito lamang Disyembre 2023. Kasapakat din dito ang mga taksil sa magsasaka na mag-asawang Roy at Atty. Nenita Mahinay. Mariin itong tinutulan ng mga magsasaka at agad silang nagprotesta.

Nakikibaka rin ang mga residente ng Lupang Tartaria upang biguin ang pakana ng mga Aguinaldo at Ayala na palayasin sila sa kanilang panirikan at sakahan. Tulad ng Hacienda Roxas, matagal nang ipinaglalaban ng mga magsasaka ang Lupang Tartaria sa pangangamkam ng MBK-PML. May CLOA rin ito na kinansela sa bisa ng ‘land use plan/zoning’ ng lokal na pamahalaan ng Silang, na siyang tinuntungan ng DAR. Nitong huli, umupa ng mga maton mula Jarton Security, na pag-aari ni Mar Alonte, (nakakabatang kapatid ni Congresswoman Len-len Alonte ng syudad ng Biñan) ang mga Aguinaldo-Ayala ngunit hindi natinag ang mga taga-Tartaria at ipinagtanggol ang kanilang barikada. Ang kasalukuyang maniobra at marahas na aksyon ng mga Aguinaldo-Ayala sa lugar laban sa residente ay bahagi ng plano nilang saklawin ito ng inaambisyon nilang itatayong ‘residential at commercial complex’.

Nagpupunyagi pa rin at tumitindig ang mga magsasaka at naninirahan sa Lupang Ramos sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City para ipagtanggol ang kanilang tagumpay sa pagsasaka, pagkamit ng libreng tirikan ng bahay. Sa kabila nang sila ay may mga ligal na ‘accreditation’ sa ilang ahensyang burges at reakasyonaryong tulad ng DA at may isyung ligal pa sa DAR ay patuloy na ginigipit ni Konsehal Kiko Barzaga, kasabwat ang TF Ugnay sa ilalim ng 2nd ID. Hindi rin nilulubayan ang mga lider at kasapi ng lokal na samahan ng iba’t-ibang anyo ng harassment, red-tagging at pangigipit.

Nakapagtala rin ng di bababa sa may 2,000 ektarya sa saklaw ng rehiyon ng iba’t-ibang tipo, lawak at yugto ng ‘land cultivation’, pagpapakita ito ng kolektibong lakas ng masang magsasaka at naninirahan dito. Sa saklaw rin ng rehiyon ay nakapagpatupad ng anti-pyudal na pakikibaka sa mga sona at larangang gerilya at teatro ng digma ng rehiyon, at sa kasalukuyang ay pinagyayaman pa at tinatamasa ang bunga/produkto na lupa ng mga masang magsasaka, mangagawang bukid, pambansang minorya.  

Bagama’t may mga bara, pag-atras at hindi pananatili ng ilang mga tagumpay ng ‘land cultivation’ at iba pang anti-pyudal na laban, tinatanganan ang mga aral at kahinaan, at puhunan para ito sa kilusang pagwawasto at para sa muling pagsikad ng rebolusyong agraryo at armadong pakikibaka. Ipinakita pa rin ang superyoridad nang mga tagumpay sa anti-pyudal na pakikibaka. Kadluan din ng mga pulang mandirigma para sa BHB. Nagsisilbi rin ito sa pagpapatatag pa ng mga mga pulang base at kapangyarihan sa kanayunan. Mga baseng MOOG ng rebolusyon at binhi ng sosyalistaeng lipunan sa hinaharap.

Sa ika-10 ng Hunyo, araw ng pinakamadugo, pinakamahaba at pinamagastos na repormang agraryo na isinabatas ng panahon ng rehimeng panginoong maylupa na Corazon C. Aquino, ito ay araw rin ng pagluluksa, poot at pagkamuhi sa mga nakaraang rehimeng Ramos, Estrada, GMA, Aquino II at Duterte, lalo’t higit sa ilihitimong rehimeng Marcos Jr na puro pagpapabango at ‘photo ops’ ng mga neresaykel ang ginawang ‘pamamahage’ ng CLOA. Kasabay ng pagkalantad ng reaksyonaryong CARP/ER ay ipinakita ang superyoridad at makatarungan ng libreng pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng rebolusyong agraryo, kooperatibisasyon sa agrikultura na magluluwal na pambansang industrialisasyon.

Patakarang neo-liberal, sa balangkas ng pribatisasyon, deregulasyon at denasyunalisasyon ay walang kakauwian ang agrikultura at ekonomiya ng bansa kundi mas ibayong pagkabansot at pagpatay ng lokal na produksyon, at magsasaka na nakaasa at naka-buntot lang sa Imperyalistang US. Sa pamamagitan ng Cha-cha, pinag-ibayo ni Marcos Jr kampon niyang mga tiga pagtaguyod ng ’neo-liberal’ na patakaran. Pinakahuli, labas pa sa bigas, sibuyas, bawang, asukal, ang itlog at ‘poultry at hog industry’ ay umaalma na rin. Patunay ito na ang rehimeng Marcos Jr ay tila nakaupo sa bunganga ng bulkan na anumang oras ay pwedeng sumabog at magparalisa sa kanyang ilihetimong paghahari at pasismo.

Sa diwa ng kilusang pagwawasto, panata ng PKM na buong lakas at magpupunyagi sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos, magsulong ng anti-pyudal na laban para sa pangpolitika at pang-ekonomiyang kagalingan at pagpapabuti ng kalagayan ng masang magsasaka, mangagawa bukid, pambansang minorya at iba pang maralita sa kanayunan. Ilulunsad ang mga gawaing pagpapalawak, pagkokonsolida at pagpapakilos ng sa gayun ay ang tradisyon ng pagiging kadluan ng pulang hukbo ang mga base ng magsasaka ay di naampat, hanggang sa pagkamit ng mas mataas na yugto ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

Magsasaka ng Timog Katagalugan lumaba’t isulong ang rebolusyong agraryo para sa digmang bayan