Magsasaka, Pinatay ng ahente ng estado

Mahigpit na kinukundena ng Santos Binamera Command Bagong Hukbong Bayan – Albay (SBC BHB – Albay) ang pagbaril-patay ng isa sa dalawang lalaking pumasok sa bahay ng magsasakang si Vernon Bonggat, may asawa at mga anak, 50 taong gulang, kagabi ganap na 8:30 ng gabi, Pebrero 20 taong kasalukuyan, residente ng Brgy Tablon, Oas, Albay.

Itoy ay isang kilometro lamang ang layo mula sa isang seksyon ng 49thIBPA na kasalukuyang nag-ooperasyon sa lugar. Isang linggo nang sinusuyod ng mga tropa ng sundalo ang lugar dahil sa pangyayari noong Pebrero 15 sa Brgy Ramay ng parehong bayan.

Ganito lumaban ang pikon at berdugong 49thIBPA, sibilyan ang kanilang ginagantihan. Matatandaang sila din ang pumatay sa dalawang barangay official ng Brgy Batbat noong Setyembre 15 2020. Wala pa ring hustisya ang mga biktima hanggang sa kasalukuyan. Madami ng krimen sa mamamayang Albayano ang berdugong 49thIBPA , hindi sila karapatdapat manahan sa prubinsya ng Albay!

Nananawagan ang SBC BHB – Albay sa mamamayang Albayano, taong simbahan at mga kagawad ng midya na ilantad ang ganitong mga krimen ng mga sundalo ng 49thIBPA. Hindi totoo na sila ay para sa kapayapaan, sila ang numero unong lumalabag sa karapatang tao ng uring anakpawis.

Magsasaka, Pinatay ng ahente ng estado