Pahayag

Mensahe ng Kabataang Makabayan-Negros sa ika-52 taong anibersaryo ng dakilang Partido Komunista ng Pilipinas

, ,

REBOLUSYONARYONG PAGBATI SA IKA-52 NA ANIBERSARYO NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS MULA SA KABATAANG MAKABAYAN- NEGROS!

Ang Kabataang Makabayan ang rebolusyonaryo at komprehensibong organisasyon ng kabataan na nagtataguyod ng makauring pamumuno ng proletaryado sa pamamagitan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa pamumuno ng Partido, na ginagabayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, masigasig na lumalahok ang kabataan sa pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan na siyang nagbibigay solusyon sa suliranin at kontradiksyon sa lipunang Pilipino, at magwawakas sa panguulilang dulot ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.

Kaliwa’t-kanan ang pagpapahirap na dinanas ng mamamayan sa kamay ng rehimeng US-Duterte sa militarista at kontra-mamamayang pagtugon nito sa sunod-sunod na mga kalamidad at sa pandemyang COVID-19. Sinamantala ng bulok na rehimen ang “lockdown” para sa paniniktik, pagkukulong, demolisyon, sunod-sunod na pagpatay at upang higpitan ang pagkilos ng mamamayan. Ginamit din ang pagsupil sa masmidya upang ipalaganap ang kampanya nito sa disimpormasyon, redtagging, at panlilinlang upang pagtakpan ang talamak na korapsyon at ang kapalpakan nitong tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Ang kabataan-estudyante ay hindi kailanman naging malaya mula sa atake ng despotiko at pabaya na estado. Sa tala ng DepEd, mayroong 7 milyong kabataan ang hindi nakapag enroll. Napakaraming kabataan-estudyante ang pinatay ng estado sa pagpapatupad ng kontra-mamamayang online classes. Higit sa 20 ang bilang ng estudyanteng nawalan ng buhay dulot ng “distance learning”. Karamihan dito ay dulot ng pagpapakamatay. Isa sa pinakamalalang epekto ng lockdown sa kabataan ay ang pagtaas ng bilang ng kaataang binubugaw o pinapagawa ng mga sekswal ng akto sa internet, na tumaas ng 364% mula Marso hanggang Mayo, kung ikumpara sa 2019.

Sa Negros, ang mga kabataan tulad nina Myles Albasin, Wilmar Pongasi at Karina Dela Cerna ay naging biktima ng iligal na pagaresto at pagtatanim ng mga armas at bomba at kasalukuyan ay iligal na nakakulong. Noong Agosto 2020, si Zara Alvarez, isang tagapagtanggol ng Karapatan at organisador ng kabataan ang pinatay, sa gitna ng pandemya at ng lockdown.

Sa kabila nito, makikita ang paglakas ng kilusan ng mamamayan, lalo ng ng kabataan, sa kalunsuran. Dulot ng kapabayaan, pangaalipusta, at ang pagbitiw ng estado sa pagsagot sa pangangailangan ng mamayanan, lalo na ang karapatan sa pag-aaral ng kabataan, ang nagbigay ng daan sa pagsiklab ng rebolusyonaryong diwa sa kabataan. Sa Isla ng Negros, sa kabila ng limitasyong dala ng lockdown, napakaraming kabataan-estudyante ang naorganisa sa bandila ng pambansang demokratikong pakikibaka.

Determinado ang Kabataang Makabayan sa kaniyang makasaysayang papel na bigkisin ang pinakamalawak na bilang ng masang kabataan upang makamtan ang pinakamataas na uri ng pakikibaka! Sa gabay ng Partido Komunista ng Pilipinas, patuloy ang pagpapamulat, pagorganisa at pagpapakilos ng pwersa ng mamamayan sa pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa taggumpay!

MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!

KABATAAN, TUMUNGO SA KANAYUNAN- SUMAPI SA BAGONG HUKBONG BAYAN!

ISULONG ANG MATAGALANG DIGMANG BAYAN!

MABUHAY ANG IKA-52 NA NANIBERSARYO NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!

VIVA CPP-NPA-NDFP!

Mensahe ng Kabataang Makabayan-Negros sa ika-52 taong anibersaryo ng dakilang Partido Komunista ng Pilipinas